^

Punto Mo

EDITORYAL - Maraming naghihikahos at walang makain

Pang-masa

INILABAS ng Social Weather Stations (SWS) ang kanilang survey na ginawa noong nakaraang Abril, Mayo at Hunyo ng kasalukuyang taon na nagsasabing 12.1 milyong Pinoy ang nananatiling mahirap ang buhay at walang makain. Inilabas ang resulta ng survey dalawang araw makaraang magdeliber ng ikalima niyang State of the Nation Address (SONA) si President Aquino.

Ayon sa survey, marami ang naniniwala na sila ay mahirap at hindi nagbabago ang buhay at bagkus ay lalo pang naghirap. Sinabi rin ng respondents na wala silang makain. Lumalabas na 600,000 pamilya ang nagsabing sila ay patuloy na naghihirap. Siyam na milyong pamilya naman ang nagsabing sila ay walang makain.

Ayon sa SONA ng Presidente, 2.5 milyong Pilipino na ang nakatakas sa kahirapan. Ipinagmalaki niya ang Expanded Conditional Cash Transfer Program kung saan ay maraming nakinabang. Ito raw aniya ang nagpababa sa antas ng kahirapan. Marami pang binanggit­ ang Presidente sa mga natulungang mahi­hirap. Ipinakita rin naman sa video ang mga nakinabang sa programa.

Hindi kaya mali na naman ang nasabi ni Presidente kaugnay sa 2.5 milyong Pinoy na nakatakas sa ka­hirapan? Hindi na naman accurate ang bilang. Sabi ng mga nainterbyu, wala raw silang naramdamang pagbabago sa kanilang buhay. Tumataas daw ang ekonomiya pero hindi nila maramdaman.

Maraming naghihirap at walang trabaho kaya maraming nagugutom. Bakit hindi magpokus ang pamahalaan sa pagpapaunlad ng agrikultura. Dito uunlad ang bansa. Pagsikapan sana itong pagyamanin. Wala nang magugutom at maghihirap kapag umasenso ang agriculture sector.

vuukle comment

ABRIL

AYON

BAKIT

DITO

EXPANDED CONDITIONAL CASH TRANSFER PROGRAM

PINOY

PRESIDENT AQUINO

SOCIAL WEATHER STATIONS

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with