^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi sapat ang naiulat sa mga ‘boss’

Pang-masa

“BOSS” ang tawag ni President Noynoy Aquino sa sambayanan na bumoto sa kanya noong 2010. Una niyang binanggit ang “boss” sa ikalawa niyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 25, 2011. Sabi niya noon, “Sa mga minamahal kong kababayan, ang aking butihing mga boss.”

Kahapon muli siyang nag-ulat sa kanyang mga “boss”. Isang oras at 40 minuto siyang nagsalita. Nagpalakpakan ang mga mambabatas at mga panauhin sa pagitan ng pagsasalita ng Presidente. Pero marahil ay nagtataka ang mga “boss” kung bakit masyadong masigabo ang palakpakan gayung hindi naman sapat ang naiulat ng Presidente. Sa kabuuan, pinuri lamang niya ang kanyang mga Gabinete. Mula sa DPWH, DILG, DepEd, DSWD, DoE, at iba pa ukol sa mga nagawa ng mga ito. Bumanggit din siya ng ukol sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at dinepensa pa ito. At sa huli, naging emosyonal pa ang Presidente sapagkat naalala ang kanyang amang si Sen. Benigno Aquino Jr. na nakilala sa sinabi nitong “The Filipino is worth dying for.”

Pero walang gaanong sustansiya ang mga naiulat ng Presidente sa kanyang mga “boss”. Malayo sa ina­akala nang marami na mayroon siyang pagagalitan sa kanyang mga Gabinete ukol sa kontrobersiya sa DAP na dineklara ng Supreme Court na labas sa Saligang Batas. Akala ng mga “boss” ay may “gugulong na ulo” sapagkat may kamaliang nagawa. Akala ng mga “boss” ay may hihingi ng tawad sa nagawang desisyon na naghatid sa kontrobersiya.

Mali ang akala ng mga “boss”. Walang nangyari sa kanilang iniisip na mangyayari sa ika-5 SONA.

Kawawa naman ang mga “boss” na umasang may mangyayaring maganda sa bansang ito.

 

vuukle comment

BENIGNO AQUINO JR.

BOSS

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

GABINETE

PERO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SALIGANG BATAS

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with