^

Punto Mo

‘Moro-morong pagdinig sa Senado’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MATAGAL ng laman ng balita ang kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) pero marami pa rin ang hindi nakakaintindi at nakakaunawa dito.

 Dahil sa tagal ng imbestigasyon at mga pagdinig sa kasong katiwaliang ito, sawa na ang publiko at nagiging national past time na lang ang isyu.

Nitong Huwebes, humarap sa Senate Hearing ang sinasabing utak ng DAP na si Budget Secretary Florencio “Butch” Abad. Mariin niyang sinabi na hindi raw suhol ang DAP.

Depensa naman ni Senate President Franklin Drilon, hindi raw nalabag ang Konstitusyon sa paglikha ng DAP kundi ang General Appropriations Act lang o ang GAA.

Ito yung proseso o deliberasyon ng pondo sa Kongreso ng bawat departamento sa buong taon. Dinidinig at dinidesisyunan ito ng mga mambabatas.

Ang GAA ay ginawa sa ilalim ng Konstitusyon. Ibig sabihin, kapag nalabag ang GAA, nalabag na rin ang ina ng lahat ng batas o ang Saligang Batas.

Sa puntong ito, hindi dapat matsubibo at malito ang taumbayan sa mga pagpapasikot ng mga “magagaling” sa pamahalaan.

Kahit na ang mismong Pangulong Benigno Aquino III, sinasabing tama ang DAP. Kaya naman­ halos ipaglaban niya ito ng patayan.

Sa isinagawang sarsuela o moro-morong pagdinig sa Senado, maliwanag na nabunyag sa publiko na nakakalula pala ang bilyung-bilyong pera ng taumbayan.

Sa kabila ng kawalang-trabaho, mataas na bilang ng mga salat at nangangalam na sikmura, hindi pala problema ng Pilipinas ang pera. Dahil ang totoong problema ay kung papaano ito gagastusin at wawaldasin.

Dito nabuo ang DAP o ang sapilitang pagtitipid sa bawat departamento ng pamahalaan para makaipon ng “pondo” na magpapaunlad daw sa ekonomiya ng bansa.

Sadya itong inipon para gamitin sa pamumulitika ng mga nakaupo sa gobyerno at mga kaalyado ng administrasyon o ‘yung tinatawag na patronage politics.

Ibig sabihin, mayroong “patron­” o pinagmumulan ng pondo ang bawat pulitiko para mayroon silang mailulunsad na proyekto sa kanilang mga probinsya at lalawigan. Ito ang Palasyo.

Mahalagang lubos na maunawaan at maintindihan ni Juan Dela Cruz ang mga isyu na ito ng walang pakundangan at walang respetong paglustay sa kaban ng bayan. Dahil kung hindi, mababalewala lang ito at magiging isang isyung pulitikal lamang.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

BUDGET SECRETARY FLORENCIO

DAHIL

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

IBIG

JUAN DELA CRUZ

KONSTITUSYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with