^

Punto Mo

Plaka sa vests sa tandem vs krimen

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

(Ngayon pa lamang ay bumabati na ako kasama ng aking­ buong sambahayan sa lahat ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa buong mundo sa pangunguna ng ating Tagapamahalaang Pangkalahatan, Executive Minister Eduardo Manalo ng isang Maligayang ika-100 anibersaryo.)

*  *  *

Naipasa na kamakailan ng Quezon City Council ang ordinansang pagsusuot ng vests o anumang sleeved clothing na doon nakalagay ang plaka ng sasakyan ng mga riding-in-tandem na papasok sa lungsod.

Tanging ang approval  na lamang ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang hinihintay para ito tuluyang maipatupad.

Ang principal author sa naturang ordinansa ay si 2nd district councilor Ranulfo Ludovico. Ito ay nilikha dahil na rin sa serye ng krimen na kinasasangkutan ng mga tandem.

Hindi pa man tuluyang naipapatupad, ilang motorcycle groups na ang nagprotesta ukol dito kasabay nang pagsasabing hindi sila ang dapat na puntiryahin kundi ang marapat ay ang palakasin ang police visibility para malabanan ang mga krimen na kinasasangkutan ng tandem.

Sa ilalim ng ipinasang measures­, na  pagsusuot ng vest na may plaka ay ipapa­tupad lamang sa mga tandem o may mga angkas at hindi sa nag-iisang rider.

May itinakda ring sukat sa mga letra at numero ng plaka na ilalagay sa vests na six inches sa height at one inch ang width.

May itinakda ring parusa sa mga mahuhuling lalabag sakaling tuluyan na itong ipatupad.

Mukhang kapansin-pansin na naman kasi ang pamamayagpag ng tandem na mga kriminal.

Noon lamang nakalipas na Lunes sa isang parking area sa Makati, patay ang isang trader na niratrat ng tandem, ang siste, isang paslit na 8-anyos ang nadamay at tinamaan ng ligaw na bala na pinakawalan ng mga ito.

Kamakalawa naman sa Sta. Cruz, Manila, tandem na kawatan din ang humoldap at bumaril pa sa isang negosyante na kumakain lamang noon sa isang restaurant.

Maganda ang layunin ng panukala, yun nga lang siyempre hindi maaalis na umalma ang mga grupong maaapek­tuhan nito.

Pero bakit nga ba hindi muna natin subukan, baka makatulong para malabanan o mapababa man lang ang mga operasyon ng mga kawatan o kriminal na tandem.

Sabayan pa dapat ito ng mahigpit at masusing pagbabantay ng pulisya baka sakaling maging epektibo na nga.

vuukle comment

CRUZ

EXECUTIVE MINISTER EDUARDO MANALO

IGLESIA NI CRISTO

QUEZON CITY COUNCIL

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

RANULFO LUDOVICO

TAGAPAMAHALAANG PANGKALAHATAN

TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with