^

Punto Mo

‘Kotongero sa lansangan, pamahalaan’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI na mabilang ang mga nangongotong na napahiya sa publiko pero marami pa rin ang mga makakapal ang mukha sa kanilang kumag na gawain.

Karamihan sa mga ito, mga alagad ng batas o ’di naman kaya mga traffic enforcer na garapalan sa kanilang modus.

Kunwari’y mga nagmamando sa gitna ng lansangan pero iba pala ang kanilang pakay at pinagkakaabalahan.

 Nitong nakaraang araw, isa na namang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang napatanggal ng BITAG T3.

Ang unipormadong dorobong kapalmuks kitang-kita sa bidyo habang nangongolekta sa mga pobreng jeepney driver na dumadaan sa binabantayang ruta.

Sa halagang P20, malaya na raw na pumasada at protektado na ang mga tsuper sa anumang uring traffic violation. Tsk…tsk!

Kaya sa mga motorista at mga namamasada, sa ganitong mga uring insidente, huwag kayong mag-aatubiling lumapit sa BITAG o sa BITAG T3.

Pero hindi lang sa lansangan garapalang nagaganap ang mga pangongotong na ganito. Kundi maging sa loob din mismo ng gobyerno, sa pagitan ng mga personalidad at gabinete sa pamahalaan.

Andyan ang mga “Kuya Eddie… Eddie ako…” na mga kotongero sa mga inilulunsad na proyekto.

 Bukod pa d’yan ang hindi matapus-tapos na imbestigasyon sa maanomalyang Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) at kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Marami kasi ang nagsasabi na puro maliliit lang na tao ang hinahambalos namin sa aming mga programa. Mali. 

Isa ang BITAG Live sa mga nagbabantay sa mga nangyayari at nagaganap sa pamahalaan partikular sa mga isyu ng katiwalian, pangu­ngurakot at pandarambong ng mga buwaya at makakapal ang mukha sa kaban ng bayan.  

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ABANGAN

ANDYAN

ASSISTANCE FUND

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KUYA EDDIE

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

PRIORITY DEVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with