^

Punto Mo

Lalaki sa Tsina, gumawa ng hagdanan sa bundok na may 6,000 baitang para sa mahal na asawa

- Arnel Medina - Pang-masa

LIMAMPUNG taon na ang nakararaan mula nang magtanan sina Liu Guojiang at Xu Zhaoqing. Labingsiyam na taong gulang pa lamang noon si Liu samantalang si Xu ay mas matanda sa kanya ng 10 taon at isa nang biyuda. Napagpasyahan nilang magtanan upang makaiwas sa mga tsismis at pangungutya ng kanilang mga kapitbahay. Hindi kasi katanggap-tanggap para sa mga kamag-anak ni Liu at ng mga ibang tao sa kanilang bayan na ang isang lalaki na katulad ni Liu ay mag-aasawa ng isang babaing bukod sa biyuda na ay mas matanda pa sa kanya.  Lumayo sila at tumira sa isang kuweba na nasa bundok.

Naging mahirap ang pamumuhay ng dalawa sa bundok. Noong una nilang taon ay pawang mga gulay at prutas lamang na matatagpuan sa bundok ang kanilang kinakain. Nang lumaon, nakapagtanim na rin sila at nakagawa ng kubo sa bundok.

Bumaba rin sila ng bundok upang magbenta ng honey at bumili ng ilang kagamitan sa bayan. Bagamat madalang ang kanilang pagpunta sa bayan, nag-aalala si Liu sa kaligtasan ng kanyang asawa tuwing bumababa sila ng bundok dahil matarik ito.

Dahil sa labis na pagmamahal kay Xu, naisip ni Liu na gumawa ng hagdan para hindi mahirapan sa pag-akyat ang asawa. Pinagtiyagaan niyang hukayin o ukain ang mala-adobeng bundok para makagawa ng hagdan.

Gamit ang simpleng pang-uka, hindi siya tumigil sa pagtatrabaho sa loob ng 50 taon. Hanggang sa matapos niya ang hagdanan na binubuo ng 6,000 baitang.

Dahil liblib Ang tirahan ng mag-asawa, noong 2001 lamang natuklasan ang hagdanan na ginawa ni Liu at ang kuwento sa likod nito. Natuklasan ito nang magawi ang ilang mountaineers doon. Kaagad kumalat sa China ang kuwento ng pag-iibigan ng mag-asawa. Sa katunayan, isang palabas sa telebisyon ang ginawa base sa nakaaantig na kuwento nina Liu at Xu.

Pumanaw si Liu noong 2007 samantalang si Xu naman ay noong 2012.

vuukle comment

BAGAMAT

BUMABA

BUNDOK

DAHIL

GAMIT

HANGGANG

KAAGAD

LIU

LIU GUOJIANG

XU ZHAOQING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with