^

Punto Mo

Si Amihan, si Habagat

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Pagpatak ng ulan halos walang tigil

Kaya nagdurusa itong bayan natin;

Ang hanging habagat kapag dumarating

Mga mamamaya’y baha ang kapiling!

 

Nasaan ang hanging banayad dumampi

Malamig, mabango ating pakiwari;

Ito’y ang amihang kapag naghahari

Maganda ang buhay ng mayama’t api!

 

Subali’t kapagka ang hangi’y nagbago

At hanging habagat dumarating dito;

Dahil sa masungit ay takot ang tao -
ang dala ay tubig at bahang delubyo!

 

Sa hanging amihan tayo ay masigla

Masayang maligo ang bata’t matanda;

Sa hanging habagat na bagyo ang dala

Lahat ng tahanan ang bintana’y sara!

vuukle comment

DAHIL

KAYA

LAHAT

MAGANDA

MALAMIG

MASAYANG

NASAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with