^

Punto Mo

Pagtatapat ng isang misis na lulong sa shabu(Unang Bahagi)

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DITO sa Pilipinas, ang tawag sa methamphetamine hydrochloride ay shabu, pero sa ibang bansa gaya sa U.S. ang tawag dito ay meth o kaya ay ice. Ang shabu ay psychostimulant at sympathomimetic drug. Matindi ang epekto ng shabu sapagkat pagpasok nito sa utak, nagri-release ito ng mga tinatawag na norepinephrine, dopamine at serotonin. Dahil dito ang “bumatak” ay makakaranas ng euphoria at grabeng excitement. Obsessed na obsessed ang sinumang “bumatak” at paulit-ulit siya kung gumawa. Kapag naisipan niyang maglinis ng bahay, maglilinis siya nang maglilinis. Kapag naisipan niyang maghugas ng kamay, paulit-ulit siyang maghuhugas. Kapag naisipan niyang kalasin ang mga parts ng isang bagay, gagawin niya ito at saka bubuuin muli at saka kakalasin muli.

Kapag itinigil ang “pagbatak” makararanas ang user ng kakaibang takaw sa pagkain, tulog nang tulog at depressed na depressed. Pero bukod sa mga ka-weirduhan na ito dulot ng shabu, mayroon pa palang matinding epekto sa user. Ito ang ipinagtapat isang ginang mula sa U.S.

“Una kaming gumamit ng shabu ng aking asawa noong Bagong Taon. Sinubukan namin dahil kapag daw naka-shabu ay sisigla ang pakikipagtalik. Tama nga. Kaya paulit-ulit naming sinubukan ang pagsa-shabu.

“Mayroon akong trabaho sa opisina samantalang truck driver ang aking asawa. Bago pumasok sa trabaho, bumabatak kami.

Pagdating galing sa trabaho, batak ulit.

“Hanggang sa may­­roon kaming ma­pansin sa aming sarili. Ang aming balat ay madaling natuklap…”

 (Itutuloy bukas)

 

vuukle comment

BAGONG TAON

DAHIL

HANGGANG

ITUTULOY

KAPAG

KAYA

MATINDI

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with