^

Punto Mo

‘Batas-trapiko’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAGKALAT na parang etyas ang mga balasubas na drayber ng pampublikong sasakyan. Mga hinayupak na drayber na walang pakialam kung may madidisgrasyang pasahero, kumita lang nang malaking komisyon sa bawat biyahe.

 Araw-araw, inuulan ng reklamo ang BITAG textline laban sa mga kengkoy na drayber na walang konsiderasyon sa kanilang mga pasahero. Sapol dito ang mga pampublikong sasakyan partikular ang mga bus na naghahari-harian sa daan.

 Hindi maitatanggi na maraming namamatay araw-araw sa vehicular accidents sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Marami kasing drayber na walang habas kung magpatakbo at walang pakialam sa nakatalagang pedestrian lanes.

 Bukod pa rito ang mga drayber na nag-aagawan at nakikipaggitgitan para maunang makapik-ap ng mga pasahero. Kaya katapus-tapusan, banggaan na nauuwi sa ospital o kaya’y sa sementeryo!

 Dapat maturuan ng leksyon ang mga balasubas na drayber na ’yan! Hindi porke’t hawak ninyo ang manibela e may karapatan kayong magmadali at maghari-harian sa sasakyan. Dapat nga lalo kayong maging maingat dahil buhay ng mga pasahero at pedestrian ang nakasalalay sa inyong pagmamaneho.

 Hindi ’yung saka lang kayo matatauhan at magkakandaiput-ipot sa inyong mga lawlaw, mapanghi at butas-butas na karsonsilyo kapag naka-aksidente at nakapatay na kayo ng pobreng mga pasahero!

 Kaya nagkakalintek-lintek ang trapiko! Nagdudulot tuloy kayo ng aberya dahil lamang sa kasakiman sa pasahero kesehodang makasagasa o makapatay. Matuto kayong gumalang sa batas-trapiko!

 Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops-Ride Along, Sabado 8:30-9:00 at BITAG, 9:15-10:00 ng gabi sa PTV4. 

Para sa inyong mga sumbong at tips, mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 

vuukle comment

BITAG LIVE

COPS-RIDE ALONG

DAPAT

KALAW HILLS

KAYA

QUEZON CITY

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with