^

Punto Mo

Talaan ng takot

WANNA BET - Bettina P. Carlos - Pang-masa

DAHIL sa isinulat ko noong Biyernes ukol sa monophobia, dumagsa ang texters na nagtatanong kung ano ang tawag sa kanilang mga phobia. At dahil hindi ko naman masasagot lahat, nilathala ko ang pinaka-karaniwan at pinaka-weird na uri ng phobia.

Acerophobia - takot sa maasim.

Acousticophobia - takot sa ingay.

Acrophobia - takot sa matataas na lugar.

Agateophobia - takot na masiraan ng ulo.

Agliophobia - takot sa sakit o na masaktan.

Agyrophobia - takot sa pagtawid sa kalsada.

Amaxophobia - takot sa pagsakay ng sasakyan.

Androphobia - takot sa mga lalaki.

Anuptaphobia - takot na maging single.

Arachnophobia - takot sa mga gagamba.

Arsonphobia - takot sa apoy o sunog.

Atychinphobia - takot na di-magtagumpay.

Automysphobia - takot na marumihan.

Cacophobia - takot sa kapangitan, mga pangit o pumangit.

Catoptrophobia - takot sa mga salamin.

Chaetophobia - takot sa buhok.

Chorophobia - takot sa pagsayaw.

Coulrophobia - takot sa clowns.

Cynophobia - takot sa mga aso at rabies.

Dendrophobia - takot sa mga punongkahoy.

Ecophobia - takot sa mga bahay.

Elurophobia - takot sa mga pusa.

Gamophobia - takot sa pagpapakasal.

Hadephobia - takot sa impyerno.

Homichlophobia - takot sa mga palaka.

Katsaridaphobia - takot sa mga ipis.

Lockiophobia - takot sa pa­nganganak.

Lygophobia - takot sa dilim.

Necrophobia - takot sa kamatayan at anumang patay.

Pediophobia - takot sa mga manika.

Phasmophobia - takot sa mga kaluluwa.

Phobophobia - takot sa mga takot.

Polyphobia - takot sa ma­raming bagay.

Pupaphobia - takot sa puppets­.

 

vuukle comment

ACEROPHOBIA

AGATEOPHOBIA

AGLIOPHOBIA

AMAXOPHOBIA

ANUPTAPHOBIA

ARACHNOPHOBIA

ARSONPHOBIA

ATYCHINPHOBIA

TAKOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with