^

Punto Mo

Turista, ninakawan ng parrot, pera natangay

- Arnel Medina - Pang-masa

KAHAPON, nalathala sa column na ito ang isang bayaning parrot na nagligtas sa isang tinedyer habang nasusunog ang bahay sa Wales.

Ngayon naman, isang magnanakaw na parrot ang nam­biktima sa isang turista sa New Zealand. Natangayan ang turista ng 700 Sterling pounds.

Ayon kay Peter Leach ng Glasgow, Scotland,  enjoy na enjoy siya sa magandang tanawin sa Arthur’s Pass. Itinigil umano niya ang kanyang camper van sa highway at kumuha nang kumuha ng picture mula sa kanyang camera.

Napalayo umano siya sa kanyang van dahil sa pagkuha nang magagandang tanawin. Nang bigla umano siyang lapitan ng mag-asawang Canadian at sabihing isang Kea parrot ang pumasok sa loob ng kanyang van at mayroong tinangay.

Nagmamadaling  tinungo ni Leach ang van at natuklasan niyang nawawala ang kanyang wallet na may 700 pounds.

Tanging 20 pounds sa kanyang bulsa ang naiwan. Hinayang na hinayang si Leach. Nagsisi siya kung bakit iniwang bukas ang bintana ng van.

Nainsulto naman si Leach nang ireport sa mga pulis ang pagnanakaw na ginawa ng parrot. Pinagtawanan umano siya ng mga ito. Hindi raw mapigilan ng mga pulis ang magtawa. Wala siyang magawa kundi pagsabihan ang mga pulis na huwag siyang pagtawanan.

 

vuukle comment

AYON

HINAYANG

ITINIGIL

KANYANG

NAGMAMADALING

NAGSISI

NAINSULTO

NEW ZEALAND

PETER LEACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with