^

Punto Mo

Bandwagon effect

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NGAYON ang simula ng kampanya ng senatorial candidates. Asahan na kanya-kanyang pakulo ang mga kandidato para makatawag ng pansin sa mga botante.

Bago magsimula ang kampanya, ang pinagtuunan ng pansin ng mga kandidato ay kung papaano mangunguna sa Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS) survey. Ito ang mabisang pamamaraan upang makakuha ng suporta sa ilang sector o negosyante.

Ngayon naman, maglulunsad ng mga malalaking rally ang bawat partido ng mga kandidato para magparamdam sa mga botante. Pero iba na ang estilo ng kampanya ngayon. Aminado ang mga kandidato na sa halip na ikutin nila ang iba’t ibang lugar ay sesentro na lang sila sa pamamagitan ng pagbili ng airtime sa radio at telebisyon. Umaabot ang mga ito hanggang sa mga liblib na lugar. Magastos kung pupunta sa mga lugar upang mangampanya at mahirap ding maghakot ng mga tao na hindi naman siguradong iboboto ang mga ito.

Dahil naman sa paghihigpit ng Comelec sa political advertisements, tiyak na gagawa ng paaraan ang mga kandidato. Ang ma­saklap ay baka humantong sa mas malawak na pagbili ng boto. May punto naman ang Comelec na limitahan ang airtime ng poli­tical ads ng kandidato sa radio at TV dahil ang mamamayagpag lang talaga dito ay mga may malaking pondo sa kampanya.

Dapat maging mahigpit at walang sisinuhin ang Comelec, kaalyado man o hindi ng administrasyon. Dito malalaman kung epektibo ang panuntunan ng Comelec sa nalalapit na election.

Kung magkakahigpitan sa political ads, malamang ang malalaking rally ang pagbuhusan ng mga partido para magkaroon ng bandwagon effect. Kapag nakita ng mga tao na maraming nahahakot sa rally, iisipin na malalakas ang mga kandidato at may posibilidad na manalo.

Anuman ang estratehiya ng mga kandidato, dapat maging matalino sa pagpili ng ibobotong senador. Nakasalalay ang ating­ kinabukasan sa mga senador at sa local candidates. Huwag pagbatayan ang pagiging popular at pinanggalingang angkan ng mga pulitiko. Ang mahalaga ay kung talaga bang kuwalipikado at sensiridad sila na maglilingkod sa mamamayan at hindi magsa­samantala sa kabang-yaman.

vuukle comment

AMINADO

ANUMAN

ASAHAN

COMELEC

DAHIL

KANDIDATO

PULSE ASIA

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with