Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Tindahan ng alak nilusob ng 50 elepante,18 containers nilaklak!

SINAKMAL ng takot ang mga residente ng Dumurkota village sa India nang 50 elepante ang sumalakay sa kanilang lugar. Animo’y niyanig sila ng lindol sa paglusob at wala silang magawa kundi panoorin ang ginagawa ng mga elepante na pinaniniwalaang ga-ling sa jungle ng Damla.

Ang labis na nakagulat sa mga residente ay nang mapagtuunan ng pansin ng mga elepante ang isang local na tindahan ng alak. Para bang ang tindahan ng alak ang talagang sinadya ng mga elepante.

Walang nagawa ang may-ari ng liquor store nang wasakin ang tindahan at ininom ang 18 containers ng alak na naroon. Ang alak na ininom ng mga elepante ay tinatawag na Mahua. Umano’y matindi ang halimuyak ng alak na Mahua at ito ang naka-atrract sa mga elepante para bumaba ng bundok at hanapin ang pinanggagalingan ng halimuyak.

Makaraang laklakin ang laman ng mga container lalo pang nagwala ang mga elepante sapagkat mga lasing na. Naghuramentado na ang mga ito. Bawat makitang bahay ay winawasak.

Tatlong bahay ang agad nawasak dahil sa pagwawala. Maraming taniman ng palay at iba pang halaman ang nasira. Aninmo’y dinaanan ng buldoser ang mga taniman.

Humingi ng tulong ang mga local na awtoridad sa pulisya para maitaboy ang 50 elepante. Nagawa namang maitaboy sa isang ilog ang mga elepante at hindi na sila makabalik sa sinirang village.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ayon pa sa mga residente, hindi nila akalaing ang alak na Mahua ang magiging dahilan ng pagkasira ng kanilang bahay at mga ari-arian.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: