^

Punto Mo

Problema sa MMDA

RESPONDE - Pang-masa

Hindi malinaw kung saan nagkakaroon ng problema, kung problema nga bang maituturing o baka naman kapabayaan.

Nasa apat na katao na po ang lumapit sa inyong Responde, na halos ang naging problema sa pagre-renew sa kanilang mga driver’s license ay iisa.

Hindi sa LTO ang nakikitang problema, kundi sa tanggapan ng MMDA.  Ganito ang inihain sa ating problema.

Ito ay yaong mga driver na hinuli o natikitan ng mga traffic enforcer ng MMDA dahil sa iba’t ibang paglabag. Ilan pa nga rito ay taon na ang binilang nang mangyari ang pagkahuli.

Siyempre kapag natikitan ka, dapat mo itong ayusin o bayaran sa tanggapan ng MMDA dahil alam mong kung hindi,  mag-aappear ito sa rekord mo o sa madaling salita nakaalarma ka at kapag nag-renew ka ng lisensiya dito na ang problema.

Lumalabas na ang mga lumapit na biktima ay binayaran o nagmulta sa kanilang mga naging paglabag, may resibong patunay, ang siste naman yata sa tanggapan ng MMDA kung mabayaran na ng isang driver ang multa hindi naman inaalis sa rekord o hindi sila kini-clear sa alarma.

Sa kanilang pagre-renew ng lisensiya sa LTO doon lang nila makikitang may alarma o rekord pa sila.

Siyempre kailangan mo uling bumalik sa tanggapan ng MMDA para sa verification at paghingi mo ng certification na ang nagawa mong violation ay dati mo nang nabayaran.

Eto ngayon sa verification, magbabayad ka ng maliit lang naman na P30, pero hindi ito ang problema rito ang abala na idinulot sa mga driver o isang may-ari ng lisensiya na hindi ma-renew dahil hindi sila naaalis sa alarma o rekord ng MMDA.

Madalas na ganito ang nangyayari sa tuwing ang isang nahuli at inalarma at nagbayad na ng multa ay nananatiling may rekord na natutuklasan sa pagre-renew ng kanilang lisensiya.

Saan kayang tanggapan ng MMDA nagkakaroon ng kapabayaan, sa kabila na tanggap sila nang tanggap sa kabayaran ng mga natikitan ng kanilang mga traffic enforcers.

Kung tutunguhin ang verification at information office ng MMDA,  halos araw-araw ganito ang problema ng mga driver.

Pakisilip kaya Chairman Francis Tolentino!

vuukle comment

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

ETO

GANITO

ILAN

MMDA

PROBLEMA

SIYEMPRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with