^

Punto Mo

Editoryal - Pagkain at laruang may toxic

Pang-masa

SINASAMANTALA ang panahon ng Kapaskuhan para madala rito sa bansa ang mga pagkain at laruang may toxic chemicals. Nakapangangamba na makalusot (o nakalusot na nga) ang mga pagkain at laruan at binebenta na sa mga tiangge sa maraming lugar sa Metro Manila partikular na sa Divisoria na dinadagsa ng mamimili ngayong panahon.

Maraming laruan ang ibinebenta sa mga tiyangge at maski sa mga bangketa. Pero nararapat na mag-ingat sa mga laruang ito sapagkat may taglay na lead (tingga) na lubhang delikado sa kalusugan ng mga bata. Umano’y mataas ang content ng lead na nasa laruan. Maaaring pumasok sa katawan ng mga bata ang lead kapag isinubo ang laruan. Masama ang epekto­ ng lead sapagkat napipigilan ang paglaki ng mga bata at pumupurol ang utak. Umano’y naaapektuhan din ang utak ng bata. Maaaring masiyahan ang mga bata sa ibibigay na laruan ng mga magulang subalit habambuhay naman ang ibibigay na kapansanan. Mag-ingat sa mga laruang may toxic.

Bukod sa mga laruan, may taglay ding toxic che­mical ang mga mug o baso na ibinibenta sa mga tiangge. Delikado hindi lamang sa mga bata kundi pati na rin sa mga matatanda. Huwag basta-basta bibili ng mga mug at baka ang mga ito ang maging mitsa sa pagkakasakit.

Pati noodles na galing sa ibang bansa ay mayroon ding toxic chemicals na nagiging dahilan ng cancer. Ayon sa report, galing sa Korea ang mga noodles at pawang mabibili sa mga malalaking supermarket. Ayon sa Bureau of Customs (BOC) pangangalanan na nila ang importers ng noodles na may toxic. Ayon sa Food and Drugs Administration may benzopyrene ang mga noodles. Ang chemical na ito ang nagdudulot ng bladder, lung at skin cancer.

Paigtingin pa ng mga awtoridad ang pagmonitor sa mga produktong may taglay na toxic. Tiyak na dadagsa pa ang maraming produkto ngayong panahon ng kapaskuhan. Maging alerto at mapagmatyag ang lahat. Huwag isapalaran ang kalusugan ng mga anak at pati na ang sarili.

vuukle comment

AYON

BATA

BUKOD

BUREAU OF CUSTOMS

DRUGS ADMINISTRATION

HUWAG

MAAARING

METRO MANILA

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with