^

PSN Showbiz

Richard magpapahinga muna!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Richard magpapahinga muna!

Richard

Huling dalawang linggo na lamang ng teleser­yeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kabilang din sa serye si Richard Gutierrez at ayon sa aktor ay talagang kaabang-abang ang mga eksena sa mga hu­ling araw ng kanilang programa.

Masama ang karakter ni Richard bilang si Sandrino sa serye at siguradong maiintindihan daw ng mga manonood kung bakit siya nagkaganito sa pagtatapos nito. “Kahit paano maintindihan ng audience kung bakit niya ginagawa ito. Minsan si Sandrino, dahas ang gusto. Pero sana parang sa ending, sana ang gusto ko makuha ng audience ‘yung core ni Sandrino kung bakit niya ginagawa lahat ng ito,” bungad ni Richard.

“’Yung last few remaining days biglang may twist, ‘yon ang dapat natin abangan pero sa pagkakaalam ko magkapatid sila,” dagdag pa ng aktor.

Isang pelikula na ang pinaghahandaang gawin ni Richard pagkatapos ng La Luna Sangre kung saan makakasama niya sina Angel Locsin at Angelica Panganiban. “It’s a tough act to follow pero may matindi akong plano pagkatapos nito. Mapapahinga po muna ako. Pagkatapos nito wala pa po talaga. As in now, naka-concentrate kami sa La Luna lalo na matatapos na but may gagawin akong movie with Star Cinema,” pagtatapos ng aktor.

Donny may reunion kay Direk Joey

Sa kauna-unahang pagkakataon ay makagagawa na rin ng isang pelikula si Donny Pangi­linan. Sa kasalukuyan ay abala ang binata bilang Video Jockey o VJ ng MYX.

Sobrang excited na ni Donny dahil isa siya sa mga bida ng pelikulang Walwal sa direksyon ni Jose Javier Reyes. “Actually matagal ko nang ipinagdadasal, ang tagal ko nang hinihintay ito. Ang daming ginawang workshops, pinag-aralan ko po ‘yung mga script namin sa bahay. Two years na po ito in the making,” pagbabahagi ni Donny.

Personal daw na pinili ng batikang direktor ang binata upang maging isa sa bida ng nasabing proyekto. Malapit na kaibigan ni direk Joey ang mga magulang ni Donny na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan. “Something very interesting there is, my mom was pregnant with me when she won FAMAS na dinirek ni direk Joey. So it’s like history repeating itself. Kasi out of all the directors, it was really direk Joey who stood out with my mom. Sobrang close nila, siya pa ‘yung ninong sa wedding nila eh,” nakangiting kwento ni Donny.

“I’m super blessed kasi sobrang close siya sa family namin and I get to really work with him, i-prove ‘yung craft ko. I couldn’t believe that my first movie, it would be directed by Direk Joey, sobrang blessed na ako,” pagtatapos niya.

Makakasamang magbida ni Donny sa Walwal sina Jerome Ponce, Kiko Estrada, at Elmo Magalona.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with