^

PSN Showbiz

Alden mas type mag-travel kesa makasama si Maine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Alden mas type mag-travel kesa makasama si Maine

Alden at Maine

Bumalik noong Monday sa Batanes para magbakasyon si Alden Richards. Hindi nito isinama ang P.A. niyang si Mama Ten at handler na si Sam sa kanyang bakas­yon. Hindi lang nailihim ang presence ni Alden dahil marami ang nagpa-picture sa kanya at ipinost sa social media.

This Wednesday na ang balik ni Alden at muli siyang mapapanood sa Eat Bulaga.

Sa Holy Week ay lalarga na naman si Alden kasama ang Dabarkads at pa-Hawaii naman sila. Sa March naman ay guest siya sa concert ni Kuh Ledesma at sa April 7 ay may show sila nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Betong, at Dennis Trillo sa New Jersey. Sa April 8 ay sa Toronto naman ang kanilang show.

Sa rami ng biyahe ni Alden, tanong ng fans, kailan nito magagawa ang movie nila ni Maine Mendoza? Kailan siya makakapag-recording ng album at kailan niya magagawa ang teleserye sa GMA 7?

Regine may paalala sa manonood ng kanilang concert

Tinupad ni Ogie Alcasid ang ipinangako sa mga reporter sa first presscon ng #paMORE concert nila nina Martin Nievera, Erik Santos, at Regine Velasquez na magpapadala siya ng gourmet tuyo at smoked bangus na produkto ng Green Food business nila. Kahapon ay idinilever si Jun Lalin ang dalawang bote ng smoked bangus at gourmet tuyo, kaya salamat Ogie, Regine, at Jun.

Anyway, sa Saturday, February 10 na concert nila sa direction ni Paolo Valenciano at gagawin ito sa MOA. Sina Louie Ocampo at Raul Mitra ang musical directors.

Sa rehearsal pa lang, mukhang masaya na ang concert, pero may paalala si Regine na ‘wag masyadong taasan ang expectations para hindi ma-disappoint.

Kung nasunod ang gusto ni Ogie, songs ng 70’s at 80’s ang type niyang isama sa repertoire, pero may popular songs din para sa mga bagets na manonood.

Kris ginamit ang pera ng mga anak

Ipinost na ni Kris Aquino ang TVC ng Ceelin+ endorsement nila ni Judy Ann Santos.

May kuwento si Kris sa pagsasama nila ni Juday, “It is a privilege for the 1st time for an endorsement or any project, to share the screen with @officialjuday. Trivia-the movie that will always be the most special to me is the original FENG SHUI shown in 2004, it was a blessing for me because truth is the role was first offered to Juday-but her management turned it down. I was the 2nd choice & the rest is now horror box office history. Masarap at magaan syang katrabaho.”

Samantala, noong Monday, ang soft opening ng 3rd Chowking branch ni Kris na nasa Quezon Ave­nue corner Araneta Avenue, Quezon City.

Ruru mas priority si Janine

Magseselos na naman nito ang ibang fans nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia dahil nag-post ang binata ng picture nila ni Janine Gutierrez sa Instagram (IG). Reklamo ng GabRu fans tamad mag-post si Ruru ng picture nila ni Gabbi na hindi para sa promo ng  Sherlock Jr., kaya na-bash si Janine na natigil lang nang sawayin ni Gabbi.

May rason kung bakit ipinost ni Ruru ang picture nila ni Janine dahil namatay na ang karakter ng aktres sa serye. Nanghinayang ang viewers na maaagang nawala si Janine dahil may chemistry sila ni Ruru.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with