^

PSN Showbiz

Ogie pinaiyak ng anak!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Ogie pinaiyak ng anak!

Ang singer-composer at hitmaker na si Ogie Alcasid ang tumatayong manager ng kanyang 20-year old daughter na si Leila Alcasid sa kanyang ex-wife na si Michelle van Eimeren. Kaya naman hindi nito napigilan ang mapaiyak at maging emotional nang pumirma ang kanyang panganay ng recording contract with Star Music kung saan ay inihahanda na ang debut album ng dalaga for release within the month of February.

Ngayong isa nang certified recording artist si Leila, looking forward ang dalaga na maka-duet sa concert stage at maging sa recording ang kanyang stepmom na si Regine Velasquez at makanta ang sariling compositions ng kanyang dad.

Samantala, si Ogie mismo ang nag-encourage sa kanyang panganay na ipagpatuloy nito ang kanyang pag-aaral dito sa Pilipinas na siya namang gagawin ni Leila who plans to take up English Literature.

Marion aarte na rin

Wala na pala sa Star Music ang talented singer-composer na si Marion Aunor, panganay ng dating singer-actress-turned successful businesswoman na si Maribel “Lala” Aunor dahil ito’y lumagda na ng five-year management contract with Viva Artists Agency (VAA) kamakailan lang.

Kasama sa nilagdaang contract ni Marion ang bagong album at paggawa ng mga pelikula na matagal na niyang pangarap.

Since abala si Lala sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo, ipapaubaya na niya sa VAA ang pamamahala sa career ng kanyang anak na isa ring mahusay na composer.

Louise hindi na affected kina Aljur at Enzo

Dating magkakasama sa Kapuso Network sina Aljur Abrenica, Enzo Pineda, at Louise delos Reyes kung saan nabuo ang “love triangle” ng tatlo.

Sina Louise at Enzo ang dating magkarelasyon noon ay kasintahan naman noon ni Aljur ang fiancée niya ngayon na si Kylie Padilla. 

Nang magtambal noong 2014 sa Kambal Sirena TV series ng GMA sina Aljur at Louise ay na-link ang dalawa na siyang naging sanhi ng break-up noon nina Aljur at Kylie gayundin nina Louise at Enzo.

By twist of fate ay isa-isang lumipat ng Kapa­milya Network sina Enzo, Louise, at Aljur at hindi maiwasang muling magkasama sa trabaho ang tatlo. Since pare-pareho na silang naka-move on hindi isyu sa kanila ang muling magkatrabaho.

Si Aljur ay engaged na kay Kylie at meron na silang anak, si Alas Joaquin. Si Louise ay may iba nang boyfriend, ang Hale vocalist na si Champ Lui Pio habang non-showbiz naman ang kasintahan ngayon ni Enzo na si Cristina Malonzo.

Toni wala nang planong balikan ni John Lloyd

Alam mo, Salve A, marami ang nagsasabi na sana’y i-reformat na ng ABS-CBN ang kanilang weekly sitcom na Home Sweetie Home at gawin na lamang na sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ang mga mga pangunahing bituin.

Mukha kasing wala nang balak pa si John Lloyd Cruz na balikan ang prog­rama na pinagbibidahan at pinagtatambalan nila ni Toni.

Mas nakatuon ngayon ang attention ni John Lloyd sa kanyang lady love na si Ellen Adarna kesa sa kanyang showbiz career.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with