^

PSN Showbiz

Kiray pinatawad ang driver na nakasagasa ng kanyang paa!

Pilipino Star Ngayon
Kiray pinatawad ang driver  na nakasagasa ng kanyang paa!

SEEN: Hindi na kailangan nina Elmo Magalona at Janella Salvador na mag-deny dahil halatang-halata sa presscon ng My Fairy Tail Love Story na may relasyon na sila. Ipinagtapat ni Elmo na importante sa kanya si Janella.

SCENE: Kahit nagkaroon ng viral infection at na-confine sa ospital, natapos ni Janella Salvador ang dalawang araw na taping niya para sa Maalaala Mo Kaya.

SEEN: Totoo ang balita na sarado sa mga motorista ang bahagi ng Times St. na tinitirhan ni former President Noynoy Aquino. Nadadamay sa isyu si QC Mayor Herbert Bautista na pinagbibintangan na binibigyan ng special favor ang mga Aquino dahil sa special friendship nila ni Kris Aquino.

SCENE: Hindi pinatulan ni Kris Aquino ang irresponsible comment ni Jay Sonza tungkol sa kanyang anak na si Bimby Yap pero gamit na gamit ang isyu sa pagtataas niya sa sarili at pagmamalaki sa kanyang mga product endorsement at achievement.

SEEN: Kasama si Vic Sotto sa libu-libong Pilipino na hindi natutuwa sa matinding traffic situation sa SLEX dahil sa bagong toll collection system sa Skyway. Residente si Vic ng Cabuyao, Laguna kaya araw-araw na nagdaraan sa SLEX ang TV host-comedian sa tuwing nagre-report siya sa Broadway studio ng Eat Bulaga.

SCENE: Si Moira dela Torre ang composer ng Be My Fairy Tail, ang catchy theme song ng romantic comedy movie nina Elmo Magalona at Janella Salvador. Si Moira ang kumanta ng hit song na Titibo-Tibo at You Are My Sunshine, ang official  theme song ng Meet Me In St. Gallen, ang upcoming movie nina Bela Padilla at Carlo Aquino.

SEEN: Itinanggi ni Kiray Celis na may relasyon sila ng model at aspiring actor na si Kirst Viray. May ibang boyfriend si Kiray na 5’11” ang height at limang buwan na ang relasyon nila.

SCENE: Pipilay-pilay si Kiray Celis sa presscon ng My Fairy Tail Love Story dahil nasagasaan ng Montero car ang kanyang paa habang papalabas siya ng simbahan. Pinatawad ni Kiray ang apologetic driver ng sasakyan dahil mahirap lamang ito at hindi niya ginusto na mangyari ang freak accident.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with