^

PSN Showbiz

Angel iba ang nararamdaman sa bagong kontrata!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angel iba ang nararamdaman  sa bagong kontrata!

Pumirma na ng panibagong kontrata noong Lunes si Angel Locsin sa ABS-CBN kaya mananatiling Kapamilya ang aktres.

Bukod sa pagiging isa sa mga judge ng dalaga sa Pilipinas Got Talent Season 6 ay nakatakda na ring gumawa ng bagong pelikula at teleserye ngayong taon. “Malapit nang maluto, tinitimpla na ngayon. Target namin ang year na ‘to for both. Sana hindi lang siya magsabay para matutukan. I’m very happy, I’m happy to have work na mahal ko at medyo matagal pa tayong magkakasama,” nakangiting bungad ni Angel.

Masayang-masaya ang aktres dahil dumalo sa kanyang contract signing halos lahat ng executives ng Kapamilya network katulad nina President at CEO Carlo Katigbak, Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes, Star Cinema Managing Director Olive Lamasan, Star Cinema Executive Adviser Malou Santos at Entertainment Production Head Laurenti Dyogi.

“Nakakatuwa na patuloy mo pa rin nararamdaman ‘yung care nila sa ‘yo. Hangga’t kailangan naman nila ako, nandito lang naman ako talaga dahil iba ‘yung suporta na ipinakita nila sa akin. Iba ‘yung pakiramdam na nararamdaman mo rin na pinapahalagahan ka, may malasakit sa ‘yo ‘yung mga tao at happy ‘yung pamilya rito sa ABS-CBN,” pahayag ni Angel.

Star Creatives ang producer ng mga seryeng nagawa na ng aktres katulad ng La Luna Sangre at The Legal Wife. Ngayon ay Dreamscape naman daw ang makakatrabaho ni Angel sa kanyang bagong teleserye. “I am very excited kasi first time kong maka­trabaho under Dreamscape. Matagal ko nang wini-wish na makatrabaho sila dahil super nice sa akin si Sir Deo (Endrinal, Head ng Dreamscape) and excited naman akong makakilala ng ibang unit kaya iba ‘to. Ibang challenge naman ‘to para sa akin,” pagtatapos ng aktres.

Jake pinaghandaan sina Charo at Bea

Si Jake Cuenca ang makakasama nina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio sa pelikulang Eerie. Aminado ang binata na kinakabahan siyang makatrabaho ang dalawang magagaling na aktres sa nasabing horror film.

May pagka-psycho ang karakter na gagampanan ni Jake kaya ibang klaseng pag­hahanda na raw ang gagawin niya ngayon. “The next project has to be a notch up. The next step, I’m preparing now. I’m getting deep into this role,” maikling pahayag ni Jake.

Huling napanood ang aktor sa teleser­yeng Ikaw Lang Ang Iibigin na nagtapos noong Biyernes.

Napansin din ang magaling na pagganap ni Jake bilang si Lizardo sa Ang Panday na pinagbidahan ni Coco Martin sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with