^

PSN Showbiz

Piolo, Direk Joyce, at Robin nakaranas ng pagsabog nang dumalaw sa Marawi!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Piolo, Direk Joyce, at Robin nakaranas  ng pagsabog nang dumalaw sa Marawi!

Robin, Direk Joyce, Piolo sa Marawi

Nakaramdam ng kaba si Direk Joyce Bernal nang bumisita sila sa Marawi kasama sina Robin Padilla and Piolo Pascual last week. May bigla raw kasing sumabog habang nasa loob sila ng isang simbahan na isa sa matinding tinamaan ng giyera doon sa pagitan ng Maute Group at tropa ng sundalo ng pamahalaan. “Hindi talaga kami nakapagsalita. Pero alam mo ‘yun, ‘yung tiyan mo talagang parang ano andun ang takot,” sabi ni Binibining Joyce sa isang instant kuwentuhan nang makasabay namin sa isang restaurant sa QC.

May pasabi na sa kanilang grupo na marami pa ngang bombang nakatanim doon na kailangan pang i-detonate (pasabugin) pero itinuloy nila ang lakad para sa gagawin nilang pelikula.

 “May mga nahulog na debris. ‘Yun talagang makikita mong kung gaano katindi ang nangyari sa kanila, may mga nagbabagsakan dun sa simbahan,” pag-alala pa ni Direk Joyce sa naging karanasan nila sa pagsabog sa Marawi.

Magkakalayo raw sila nina Piolo kaya hindi niya alam kung ano’ng ginawa nito nang may pumutok. Pero ang naalala niya walang nagsasalita sa kanila.

Nakita rin dun ni Direk Joyce kung paano tinatadtad ng mga bala ng baril ang mga kabahayan. “Alam mo ‘yung talagang hindi mo maisip na masisira ang isang bahay sa tama ng baril lang. May malalaki, ‘yung sobrang laking butas hanggang sa pinakamaliit,” kuwento niya pa sa nakita niyang resulta ng giyera.

Kaya naman walang atrasan ang pelikulang gagawin nila matapos ang kanilang ocular inspection, para makabangon ang Marawi.

Nauna na silang nag-donate ni Piolo sa Tindig Marawi na pinangungunahan ni Robin Padilla.

Anyway, ang pelikulang Meet Me In St. Gallen starring Bela Padilla and Carlo Aquino ang latest offering ng film production nina Direk Joyce and Piolo.

Showing na sa February 7 ang Meet Me In St. Gallen na idinirek ni Irene Villamor.

Ang ganda ng trailer ng pelikula at nag-shooting sila sa St. Gallen, Switzerland kung saan matatagpuan ang Christmas Village.

FDCP magkakaroon ng film ambassadors’ night

Bilang pagbibigay-pugay at pagkilala sa Filipino films and filmmakers na kinilala sa mga international film festival, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) is hosting this year’s FDCP Film Ambassadors’ Night  na gaganapin sa February 9, 2018 at Sampaguita Gardens, New Manila, Quezon City.

Our Film Ambassadors’ Night is the best way to start the year. It’s a special night which celebrates the triumphs of our Filipino filmmakers, especially those who brought honor to our country by winning awards various international film festivals last 2017. This is our small way of showing our appreciation for their passion and hard work,” said Chairperson and CEO  Liza Diño.

Mahigit (80) filmmakers, actors, and production ang bibigyan ng pagkilala ng  FDCP para sa kanilang panalo noong nakaraang taon, falling under the creative, technical and performance categories.

Umaasa rin ang FDCP na magsi­silbi ang nasabing event na pagkakataon para sa filmmakers and industry mo­vers of different backgrounds upang mas mapalakas ang collaboration among the creative industries.

Bukod sa mahabang listahan ng bibigyan ng pagkilala, FDCP will also name the A-listers and the Camera Obscura awardees, the highest Artistic Excellence Award given by the Agency for outstanding filmmakers from last year.

The full list of Film Ambassadors will be announced on January 30.

Magandang pagkakaton din ang Ambassadors’ Night ng FDCP para mas ma-inspire pa ang ating filmmakers na gumawa pa ng mas magagandang pelikula na kikilalanin sa international market.

Paalam Direk Maryo J.

Nakakagulat ang nangyari kay Direk Maryo J. delos Reyes.

Inatake siya sa puso habang nasa isang kasalan sa Dipolog noong Sabado ng gabi.

Last August 8 lang ay isa siya sa naging punong-abala sa 40th Day Memorial Mass, Prayers and Fellowship para sa partner niyang si Jake Tordesillas na ginanap sa Sampaguita Gardens.

Ngayon ay magkasama na sila sa kabilang buhay.

Paalam Direk Maryo. 

                      

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with