Carlo at Angelica hinihintay kung aayunan ng tadhana
Mauwi kaya sa balikan ang itinutuksong muli ang mag-ex na Carlo Aquino at Angelica Panganiban dahil pareho na uli silang single? Well, tingnan na lang natin kung pagbibigyan ng tadhana ang kanilang mga puso.
Malapit nang mapanood si Carlo sa rom-com movie na Meet Me In St. Gallen na pinagtatambalan nila ni Bela Padilla mula sa direksiyon ni Irene Villaflor, the same director ng hit movie na Camp Sawi na tinampukan din ni Bela along with Andi Eigenmann, Arci Muñoz, at Yassi Pressman.
Si Angelica naman ay co-star ni Judy Ann Santos sa Ang Dalawang Mrs. Reyes na tinampukan din nina JC de Vera at Joross Gamboa na idinirek ni Jun Lana under Star Cinema na palabas pa rin sa mga sinehan.
Xian nanghingi ng basbas kay Kim bago LUMAYAS
Sa kabila ng pagpirma ng five-year management contract with Viva Artists Agency (VAA) at 10-picture contract with Viva Films, ikinu-consider pa rin ni Xian Lim ang kanyang pagiging Kapamilya dahil ito ang kanyang naging tahanan for the last nine years. Pero kailangan ding aminin ni Xian na mag-iiba siyempre ang priority ng Star Magic ngayong wala na siya sa kanilang kuwadra.
Ang rumored sweetheart ni Xian na si Kim Chiu ay mananatili sa pangangalaga ng Star Magic.
Ngayong nasa bakuran na si Xian ng VAA, marami ang naniniwala na tapos na rin ang kanilang loveteam ni Kim Chiu bagay na tinutulan ng singer-actor.
Inamin ni Xian na binanggit umano niya kay Kim ang kanyang paglipat sa VAA at supportive naman daw ito sa kanyang naging move.
Sinabi ni Xian na maayos siyang nagpaalam sa Star Magic kaya walang problema sa kanilang pagitan.
Mga beteranong director nasapawan na ng mga baguhaN
Alam mo, Salve A., it is a sad reality na dahil sa pagsulputan ng mga bata at bagitong directors na karamihan ay writers din, maraming veteran directors ang na-displace.
Mas bukas ngayon ang mga movie producers to work with young blood of writers and directors dahil na rin sa kanilang fresh ideas at ibang atake sa pagdidirek.
Isama na rin ang rason na mas murang kumuha ng young and new directors kumpara sa asking ng veteran directors.
Iilan na lamang ba among the veteran directors ang aktibo hanggang ngayon sa pagdidirek?
- Latest