^

PSN Showbiz

Vic ipinasyal ang anak sa bahay ng ex!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Vic ipinasyal ang anak sa bahay ng ex!

Positive vibes ang litrato nina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto kasama si Baby Tali na bumisita sa bahay nina Angela Reyes (mom ni Paulina na anak ni Vic), at husband nitong si Jed. May picture rin sina Pauleen, Baby Tali at Angela na may caption na, “So happy to have finally met adorable little Tali. Thank you for visiting us.”

Caption sa group picture nila ni Angela, “Thank you for the visit. I enjoyed watching Paulina bond with her baby sister.”

Hindi ipinost ni Pauleen ang group picture nila at ang nakita naming picture sa Instagram (IG) account niya ay photo nina Vic at Paulina habang karga si Baby Tali. Ang caption ni Pauleen, “Day well spent with ate (Paulina).”

Binati naman sina Vic, Pauleen at Angela sa maganda nilang relasyon at sana raw ay pamarisan sila ng ibang couple. Nauna nang bumisita sa baby sister nila sina Danica Sotto-Pingris and her children at sumunod sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa-Sotto.

Janine pumayag papatay

Hindi na na-interview si Janine Gutierrez sa presscon ng Sherlock, Jr., dahil umalis ito kaagad pagkatapos i-present ang cast ng bagong primetime series. May flight kasi ito pa-Taiwan that night (Monday, January 22) kasama sina Maey Bautista at Ken Chan dahil kukunan ang special episode ng Day Off.

Hindi tuloy natanong ang aktres kung bakit pumayag siyang special participation lang sa Sherlock, Jr. Mula Jan. 29, hanggang February 2, lang siya mapapanood dahil mamamatay ang karakter niyang si Irene.

May impact ang Irene character ni Janine at lalabas na siya ang human (owner) ng Golden Retriever dog na si Siri na ka-partner ni Ruru Madrid sa pag-iimbestiga na mapapanood after 24 Oras sa direction ni Rechie del Carmen.

Celebrity din itong si Siri dahil may TVC siya ng Shakey’s Pizza.

Kristoffer alagang kapatid ni Marian

Ngayong Miyerkules na ang last taping day ng Super Ma’am at inaasahang may iiyak sa cast sa pangu­nguna ni Marian Rivera.

Kabilang si Kristoffer Martin na malulungkot sa pagtatapos ng Super Ma’am. First show niya ito na kasama si Marian at itinuring din siya nitong kapa­tid. Sa Sunday PinaSaya last Sunday, si Marian pa ang nagpaalala kay Kristo­ffer na i-promote ang single niyang Paulit-ulit na release ng GMA Records.

Suportado rin ni Alden Richards ang single ni Kristoffer by promoting it in his socmed account. Pati si Bea Binene ay tumulong din sa promo.

Nakakatuwa na may two endorsements din si Kristoffer, shoes at phone sa tulong ng isang kaibigan. Hopefully ay balikan niya ang paggawa ng indie film dahil mahusay siyang aktor.

Ayra araw-gabi na mapapanood

Balik-teleserye na si Camille Prats dahil siya ang lead actress sa mor­ning teleserye ng GMA 7 na Close To You at makakasama si Neil Ryan Sese. Kasama rin sa cast sina Ayra Mariano at Bruno Gabriel na nag-hit ang tambalan sa G.R.I.N.D. na sana ibalik dahil maraming millennial ang naka-relate.

Malapit na raw ang airing ng Close To You na papalit sa time slot ng Lolas’ Beautiful Show nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Balllesteros.

Naalala namin, nasa cast din ng The One That Got Away si Ayra. Kaya ‘pag umere na ang Close To You, ibig sabihin ay mapapanood siya sa morning at sa gabi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with