^

PSN Showbiz

Xian sinundan si Billy sa Viva!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Xian sinundan si Billy sa Viva!

Xian

Pumirma ng five-year-contract ang Ka­pamilya actor na si Xian Lim sa ba­kuran ng Viva Artists Agency na pinamumu­nuan ni Veronique del Rosario kaya wala na ito sa pamamahala ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Bago pa man ang contract signing ay kinuha na ng Viva Films si Xian bilang co-star nina Sarah Geronimo at James Reid sa Miss Granny (20 Again) na pina­mamahalaan ni Bb. Joyce Bernal. 

Ang Miss Granny (20 Again) na tinatampukan din ni Nova Villa ay movie remake ng hit Korean movie in 2015 na kumita sa box-office ng almost US$52-M.

Si Xian ang second major male personality na pumirma sa VAA sa buwang ito ng Enero next to Billy Crawford na lumagda rin ng five-year contract with VAA last week.

In the next two weeks ay may dalawa pa umanong kilalang personalidad ang nakatakdang lumagda ng kontrata sa VAA na bahagi ng Viva Group of Companies na pinamumunuan ng chairman-CEO na si Boss Vic del Rosario.

Angel inaabangan kung gagawin din ng BF ang ginawa kay Bela

Since movie producer ang nobyo ngayon ni Angel Locsin na si Neil Arce, hindi kami magugulat kung isa sa mga araw na ito ay magpu-produce siya ng isang pelikula na pagbibidahan ng aktres.

Ganito rin ang ginawa noon ni Neil noong sila pa ni Bela Padilla ang magkasintahan.

Speaking of Angel, marami ang nanghinayang nang “patayin” ang kanyang character na Jacintha sa La Luna Sangre na tinatampukan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Richard Gutierrez.

Bagay na bagay umano kay Angel ang papel na kanyang ginampanan sa La Luna Sangre.

Ang pagkawala ng character ni Angel sa LLS ay bilang paghahanda na rin sa isang bagong tele­serye na kanyang gagawin at maging sa balik-tambalan nila sa movie ni Richard Gutierrez.

Ryle mas pinili ang apelyido ng ama para mabilis magka-career

Si Ryle Santiago ay anak ng estranged couple na Jun Santiago at Sherilyn Reyes. Maliit pa si Ryle nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. His mom remarried cager Chris Tan na siyang kinilalang ama ni Ryle hanggang sa kanyang paglaki. He was also legally adopted by Chris kaya ang kanyang documents ay Tan ang family name.

Although si Ryle Santiago ay dugong Santiago dahil mga tiyuhin niya sina Randy, Rowell, at Raymart Santiago, ginamit umano niya ang Ryle Santiago for showbiz purposes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with