^

PSN Showbiz

Gerald gustong makasama ng sabay sina Kim at Maja

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald gustong makasama ng sabay sina Kim at Maja

Gerald

Nanumbalik ang pagiging magkaibigan nina Gerald Anderson at Kim Chiu. Matatandaang naging magkasintahan ang dalawa ng ilang taon pero nagkahiwalay din noong 2010. Pagkatapos ay naging kasintahan naman ng aktor ang matalik na kaibigan ni Kim na si Maja Salvador noong 2013 at nagkahiwalay din pagkalipas ng dalawang taon.

Maayos na ang pakikitungo ngayon ng dalawang aktres kay Gerald at gano’n din naman ang aktor sa mga ito. “It’s a better situation from before. Dati kasi, hindi talaga nagpapansinan,” pagtatapat ni Gerald.

Sa Biyernes ay magtatapos na ang teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin kung saan ay bida sina Kim at Gerald. Kung mabibigyan ng pagkakataon na makasama sa isang bagong proyekto sina Kim at Maja ay wala naman daw itong magiging problema sa binata. “Parang exciting din eh. Everyone’s professional, gusto nila ang trabaho nila, why not? Trabaho din ‘yun, bakit naman hindi? Kung makapagbigay kami ng saya sa tao or excitement, bakit naman hindi?” paliwanag ni Gerald.

Pokwang hindi muna magpapaaligaga sa kasal

Noong January 18 ay ipinanganak na ni Pokwang si Malia Francine na supling nila ng kasintahang si Lee O’Brian. Masayang-masaya ang komedyante dahil nabiyayaan sila ng isang malusog na sanggol kahit apatnapu’t limang taong gulang na siya.

“Sobrang happy lang lahat, lahat positibo. Hindi ba parang answered prayer? At my age nakahabol kami ng isang anghel,” nakangiting pahayag ni Pokwang.

“Sobra-sobra, maraming-maraming suwerte kasi hindi sigurado kung puwede. Mayroong bata, sobrang masaya,” pahayag naman ni Lee.

Kontrobersyal ang pangalang ‘Malia’ ng bata dahil ito rin ang karakter ni Kathryn Bernardo sa teleseryeng La Luna Sangre.

“’Yung Malia kasi pinagsama ‘yung Marlyn, ‘yung nanay niya (Lee), at Gloria naman ‘yung nanay ko so naging Malia. Nagkataon din naman ‘yung Marietta (tunay na pangalan ni Pokwang) at Lee kapag pinagsama,” paliwanag ni Pokwang.

“Then a week later La Luna Sangre came out and we found out about it and we’re like coincidence,” sagot naman ni Lee.

Samantala, nagbabalak na raw na magpakasal ang magkasintahan pero ang kanilang anak muna ang pagtutuunan ng panahon sa ngayon. “Right now we are focused on Malia. She needs all our attention and she needs to get better. Mamang needs to get better, but siguro,” pagtatapat ni Lee.

“Babe, maraming-maraming salamat for being the nanay ng anak ko. Kasi ikaw ang sobrang espesyal, sobrang mahalaga ng buhay ko. Mahal na mahal kita. Maraming salamat din sa pagiging very supportive na tatay at saka sa tiyaga. Thank God everyday for this wonderful blessing,” mensahe ng aktres sa nobyo.

Sa March ay nakatakdang umuwi sa bansa ang mga magulang ni Lee mula sa San Francisco, California upang makita nang personal ang apo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with