^

PSN Showbiz

Heart may fashion rounds sa Paris!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart may fashion rounds sa Paris!

Heart

MANILA, Philippines — Bumiyahe uli sa Paris, France si Heart Evangelista para dumalo sa ginaganap na Paris Fashion Week.

“Starting our fashion rounds today,” sabi niya sa kanyang Instagram account nung isang araw.

Suki na ang Kapuso actress ng PFW. Last year din ay isa siya sa mga naimbitahan para sa dinarayong event ng mga fashionista sa Europe.

More than a week daw doon si Mrs. Chiz Escudero para mag-attend ng mga Haute Couture show.

Nagsasama-sama sa PFW ang mga sikat na designer from all over the world kaya rin siguro talagang updated si Heart sa mga fashion trends and alerts.

Wala pa siyang sinasabi kung ano’ng susunod na assignment sa GMA 7 pagkatapos ng My Korean Jagiya.

Xian mas pinili si Sarah kesa kay Kim?!

Maraming nagulat sa pagpirma ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) ni Xian Lim kahapon. Tuluyan nang nawalan ng pag-asa ang fans nila ni Kim Chiu.

Pero marami ring mas masaya sa naging move ng actor dahil matagal-tagal na rin naman daw nila itong napapanood sa serye at maging sa pelikula.

Una sa magiging project ng actor sa Viva ay ang Miss Granny. Yup siya ang magiging ka-partner ni Sarah Geronimo sa Pinoy version ng Korean hit movie na may title na 20 Again with James Reid.

Bukod sa pagiging actor, singer din si Xian na tiyak na babalikan niya ngayong nasa Viva na siya.

Maayos naman daw ang naging paalam ni Xian sa Kapamilya Network kaya walang problema.

Kung sabagay, parang wala na rin namang plano for him and Kim kaya siguro tuluyan na siyang nagbabu sa Star Magic. Si Kim kasi ay sunud-sunod ang trabaho at magtatapos na nga ang balik-tambalan nilang serye ni Gerald Anderson na Ikaw Lang Ang Iibigin at parang napag-iwanan na nga siya. Pero sinabi ni Xian mananatili siya sa ABS-CBN at nagbago lang ang management group.

Pero may pelikulang natapos si Xian with Coleen Garcia and Na­thalie Hart sa Star Cinema pero wala pang schedule kung kailan ipalalabas.

Aktres pakakasal na sa BF na pulitiko

Pakakasal na pala ang isang aktres sa kanyang boyfriend na pulitiko.

Pero wala pa silang sinasabi kung kailan. Basta pareho na raw decided ang dalawa.

Hintay-hintay lang daw para sa official announcement ng kanilang wedding date.

Maja nagpatali na

Nauwi rin sa kasalan ang pagmamahalan nina Lily (Maja Salvador) at Diego (Joseph Marco) matapos ang kaliwa’t kanan na mga pagsubok na kanilang hinarap para mapabagsak ang mga Ardiente noong Lunes (Jan. 22) sa hit seryeng Wildflower.

Iba sa tinaguriang ‘wildest wedding of the year’ kung saan umeksena si Lily bilang bride in black, nasaksihan ng mga manonood ang isang simple at madamdaming pag-iisang dibdib ng dalawa.

Huwag palalampasin ang Wildflower, Lunes hanggang Biyernes bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with