^

PSN Showbiz

Sikat na aktor tuluyan nang nahulog sa leading lady!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming artistang nakabubuo ng relasyon dahil sa pagsasama nila sa isang proyekto. Mabilisan, whirlwind romance kung tawagin ang ganu’n, pero nagtatagal.

‘Yung isang guwapong young actor na tinitilian ngayon ay produkto ng pagmamahalan ng kanyang mga magulang na artista na naging magkatrabaho sa isang sitcom. Nagtagal din ang programa, kaya sa madalas nilang pagkikita sa taping ay nagkagustuhan sila, ang guwapong bagets ang kanilang naging anak.

Ang nakakatawa ay hindi sila ang nagkatuluyan, ang naging misis ng action star ay ang isa pa nilang kasamahan sa sitcom na isang sexy actress, hindi nga lang naging maganda ang kanilang paghihiwalay dahil humantong ‘yun sa korte.

Maraming kuwento ng relasyon ng mga artista na nag-ugat lang sa pagiging magkasama nila sa shooting o taping. Nagkakalapit ang kanilang loob, nauuwi ‘yun sa ligawan, hanggang sa maging sila na.

Hindi na nakapagtataka ang mga istoryang lumalabas ngayon tungkol sa isang sikat na action star at sa kanyang magandang leading lady sa isang serye. May mga nakakaramdam na tungkol sa kanilang kakaibang pagtitinginan sa set.

“Sa tagal na nilang magkasama sa series, e, hindi naman nakapagtataka kung mahulog ang loob nila sa isa’t isa. Bagay na bagay naman kasi sila. Isang maganda, isang guwapo. Kaya lang, ‘di ba, may karelasyon nang artista rin ang guy?

“Matunog kasi ang pakiramdam ng mga tao sa paligid. Kapag break na nila, magkakasalo silang kumakain, meron kasing nagdadala ng food sa set, kasamahan din nila. Dati raw, e, hindi naman sila magkatabing kumakain, kung saan-saan lang ang puwesto nila, pero ngayon, kailangang magkatabi na sila habang kumakain.

“Hindi naman kailangang magsubuan ang dalawang tao para masabing may special relationship sila, di ba? Walang kailangang ganu’n, nararamdaman na lang ‘yun, sa tinginan pa lang, e, mabubuking na ang mga nagmamahalan.

“At ‘yun ang feel na feel ng mga nakapaligid kina ____at ____(pangalan ng sikat na aktor at magandang aktres), may something silang nararamdaman, sa tagal na ng seryeng ‘yun, e, ngayon pa lang nila na-feel ang kakaiba nilang pagtitinginan.

“May nararamdaman silang fire, may magic, hindi sila puwedeng magkamali. ‘Yun kaya ang reason kung bakit napabalitang hiwalay na ang sikat na action star sa girlfriend niyang actress?” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Ibang fans ni Maine tuloy ang pagiging pakialamero

Hindi na si Alden Richards lang ang bina-bash ngayon ng mga tagasuporta ni Maine Mendoza. Pati ang TAPE, Incorporated na producer ng Eat… Bulaga! ay pinatututsadahan na ng grupo.

Bakit daw ganu’n? hindi na nga magkasama sina Alden at Maine sa Sugod-Bahay ay bawas na bawas pa ang exposure ng Dubsmash Queen? Wala raw namang magandang sinasabi si Alden sa panel pero sobra-sobra ang kanyang exposure at binibigyan pa ng mga close-up shots!

Si Maine raw, habang nagsasalita ay hindi man lang ipino-focus, nagsasalita pa raw ito ay nakapaling na ang camera kina Jose Manalo at Wally Bayola. Konting-konti na lang daw ang exposure ngayon ni Maine sa noontime show. (sundan sa pahina 11)

Mapansinin talaga ang fans. Pati ba naman ang mga camera works ay may kakaibang interpretasyon para sa kanila? Sabi nga ng mga nakakabasa ng pagpansin ng mga tagasuporta ni Maine ay bakit kaya hindi na lang sila ang magpatakbo ng programa?

“Nakakaloka ang mga fans ni Menggay! Lahat na lang, pinapansin nila, pati ba naman ang exposure ng dalawa sa Eat… Bulaga!, may banat pa rin sila? OA na sila, lahat na lang!

“Bakit kaya hindi na lang sila magtayo ng network o ng production na nakababad lang kay Maine ang mga camera habang ongoing ang show? Du’n na lang sila bumawi, bigyan nila palagi ng extreme close-up ang idol nila, para manahimik na sila!” komento ng kaibigan naming propesor.

Kung minsan nga naman kasi ay mahirap ispelengin ang ibang tao. May masabi lang. May mabira lang. May masaktan lang. Mema lang!

Sumuko na nga si Maine Mendoza sa kanyang mga tagasuportang gusto nang hawakan ang kanyang leeg, pero nandito pa rin sila, litanya pa rin sila nang litanya dahil mahal daw nila ang kanilang idolo.

Ganern?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with