^

PSN Showbiz

Alden at Maine tuloy na ang tapatan!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Alden at Maine  tuloy na ang tapatan!

Alden

Sana, hanggang sa pagiging magkapareha lamang umabot ang pagsasabong kina Alden Richards at Maine Mendoza. Sayang naman ang mga taon na pinagsamahan nila bilang magka-loveteam kung mauuwi lamang ito sa galitan dahil lamang sa hindi umubra ang pagpapareha sa kanila at hindi sila na-in love sa isa’t isa.

Marami namang loveteam ang nabuwag at hindi nagkatuluyan, pero hindi sila naging magkaaway tulad ng tila nangyayari sa AlDub na ikinasisiya pa ng kanilang fans.

Pati ang latest nilang pro­duct endorsement ay pinagtatapat at pinag­lalaban gayung wala naman itong point of comparison dahil pagkain ang kay Alden at pampaganda naman ang kay Maine.

Ang nakakatawa lamang sa away ng da­lawa ay ang kawalan ng effort ng mga kum­panya na nagpapatakbo ng karera nila na tuldukan ang kanilang away at pigilan ang unti-unti nilang pagkasira individually. Tsk. Tsk. Tsk.

Jodi binigyan ng acting coach

Maraming manonood ng TV series ang naniniwalang may twist sa kuwento ng magkamuk­hang babae na ginagampanan ni Jodi Sta. Maria sa Sana Dalawa Ang Puso. Puwede naman daw na dalawang magkaibang artistang babae ang kinuha para gampanan ang dalawang role, pero bakit kay Jodi lamang ito ipinagkatiwala? Sure sila na mahihirapan dito ang aktres lalo’t nag-aaral ito ng medisina at kailangang-kailangan nito ng panahon para sa kanyang studies.

Pero hindi naman niya mata­tanggihan ang bagong trabaho na isang malaking produksyon at nag-iisa siyang bidang babae sa dalawang malalaking artistang la­laki. Kung isa lamang ang role niya, one actor has to be sacrificed and given up to another actress.

Sa pagiging Liza at Mona she is given the chance na mapahaba pa ang roles and to excel in both worlds. Mayroon naman siyang acting coach to ease her burden.

Fans ng JaDine lumelebel sa fans ni Celine

Hindi lang naman ang fans ng mga foreign artist ang dadayo ng ‘Pinas para mapanood ang concert ni Celine Dion na magaganap sa buwan ng Abril. Atat na ang fans ng Canadian singer na mapanood ito. Hindi na nila mahintay ang pagbisita nito sa kanilang bansa kaya sila na lang ang pupunta rito.

Dadayo rin dito ang fans nina James Reid at Nadine Lustre na naka-base sa abroad para naman mapanood ang Revolution concert ng mga idolo nila sa Pebrero na magaganap sa Smart Araneta Coliseum.

Sa pagbabalik ng JaDine mula London kung saan ipinagpapatuloy ni direk Antoinette Jadaone ang shoot ng Never Not Love You ay baka may mabuo ring grupo ng fans ang JaDine na dadayo rin dito para manood ng Revolution.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with