^

PSN Showbiz

Kris tuloy ang pagni-ninang kay Luis!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kris tuloy ang pagni-ninang kay Luis!

“Ninang” pa rin pala ang tawag ni Luis Manzano kay Kris Aquino kahit break na ang TV host kay Angel Locsin at ma­la­bo sa ngayong matuloy ang planong pakasal ng mag-ex.

Nadiskubre ito nang mamagitan si Luis para magkausap sina Kris at James Deakin via text. Nag-react kasi si Kris para linawing wala siyang kinalaman sa interview nito kay Bongbong Marcos. Hindi siya na-interview at nagkasama lang sila dahil kinuha sila ng Petron for a webisode sa The Kris List.

Kaya nang tanggapin ni Kris ang pagso-sorry ni James at nag-post si Luis ng okay sign. Kung ninang ang tawag ni Luis kay Kris, “naudlot na inaanak” naman ang tawag ng huli sa una. Pero puwede pa namang matuloy ang pagnininang ni Kris sa kasal ni Luis, sa kasal na nga lang nito kay Jessy Mendiola.

Andre type si Bianca?

Si Bianca Umali ang kinuhang muse ng AMA sa PBA D-League Basketball at dahil isa si Andre Paras sa players ng team siguradong siya ang kumausap kay Bianca para maging muse nila.

Nakakabilib pala ang time management ni Andre dahil nakukuha pa nitong maglaro ng basketball kahit puno ang schedule sa taping ng shows niya sa GMA 7. Nasa cast si Andre ng Sirkus at kasama rin siya sa Sherlock Jr., na usually, three times a week ang taping. Live ang Sunday PinaSaya, pero may rehearsal sila every Saturday. Paano pa kaya nagpapraktis ng basketball si Andre?

Anyway, sa Monday na, January 26, ang pilot ng Sherlock Jr., kung saan, ginagampanan ni Andre ang role ni Pido, ang kinakapatid na pulis ni Jack (Ruru Madrid) at lagi niyang maaasahan. Makulit si Pido, pero nagagawang magseryoso kung kinakailangan.

Ex ni Jc pinapasa-diyos na ang nangyari sa kanila

May mga naiyak nang mabasa ang post ng ex-GF ni JC Santos na si Teetin Villanueva tungkol sa letting go. Nauna nitong post ang isang religious song na kinakanta sa mass.

Post ni Teetin, “I’m not religious, but this one gets me every single time. It’s one of those songs that you learn at a young age and you kind of just go on auto-mode when it’s time to sing it during mass. I remember that it was in 2010 and I was going through a dark phase when I really listened intently to what the song said. The tears just keep flowing and I felt that the load I was carrying was lifted off my chest. Hearing it again today gave me the same feeling---I lift up all the joy and sorrow in my life to YOU. I surrender the anger, the pain, the doubt and frustration. Forgive me. Help me to not lose sight of all the blessings YOU have selflessly given to me and my loved ones. I surrender. I bow my head in gratitude because I trust that YOU will walk with me through this storm. Here’s to letting go. Here’s to getting even stronger and finding myself again. Here’s to welcoming a whole new chapter in life!”

Angelica sinugod ang birthday ni Glaiza

Best friends talaga sina Angelica Panga­niban at Glaiza de Castro dahil kahit puro Kapuso stars ang present sa birthday party ng huli noong birthday niya last January 21 sa Alegria Cozin­ha Moderna & Sangria Bar, dumating pa rin ang una. Nakita namin siya sa picture kasama sina direk Mark Reyes, Rich Asuncion, Gabby Eigenmann at mga nakasama ni Glaiza sa Encantadia.

May birthday message rin si Angelica kay Glaiza na ipinost nito sa Instagram, (IG) at ang ginamit na photo ay kuha sa bakasyon nila sa Nepal. Mahaba ang message ni Angelica sa kaibigan.

Binanggit ni Angelica na masayang kasama si Glaiza at maraming skills mula sa pag-imbento ng mga bagay, paggawa ng mga salita, paggawa ng musika at pagiging dancer.

Samantala, si Glaiza ang bida at title role ng bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na Contessa. Ito ang papalit sa Ika-6 Na Utos ‘pag nagtapos na ang hit daytime prog­ram nina Gabby Concepcion, Ryza Cenon, at Sunshine Dizon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with