^

PSN Showbiz

Anne parang Angelina Jolie sa buy bust

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Anne parang Angelina Jolie sa buy bust

Anne

Sunud-sunod ang mga pelikulang ipalalabas ng Viva Films. After ng Mr. & Mrs. Cruz na showing na bukas, Wednesday, na pinagbibidahan nina JC Santos and Ryza Cenon, susunod ang Meet Me In St. Gallen. Ang ganda nang ipinakitang trailer kahapon. Wow, dadalhin ng pelikula ang mga manonood sa St. Gallen, isang old town sa Switzerland.

Makikita sa trailer pa lang ang kakaibang charm ng lugar kung saan kinunan ang maraming eksena nina Bela Padilla and Carlo Aquino.

May Ang Pambansang Third Wheel sina Sam Milby and Yassi Pressman. Showing na ito sa February 8. Ang cute naman ng trailer at may kilig sina Sam and Yassi na first time magtatambal sa pelikula.

At meron palang natapos na movie sina Paolo Ballesteros and Yam Concepcion. May amnesia si Paolo sa movie na mai-in love kay Yam. Amnesia Love ang tentative title nito.

After two years, ipinakikita na sa mga sinehan ang patikim ng pelikulang Buy Bust na pinangungunahan nina Anne Curtis and MMA expert Brandon Vera na idinirek ni Erik Matti, ang nasa likod ng pinuring On The Job nina Piolo Pascual and Gerald Anderson.

Iba rin ang dating ng pelikula. Parang Angelina Jolie ang peg ni Anne.

Nasimulan na rin ang Miss Granny (20 Again) starring Sarah Geronimo and James Reid at kasalukuyan namang nasa London sina James and Nadine Lustre para sa shooting ng Never Not Love You na naging controversial nga recently dahil sa pagkakatigil ng shooting nila na ikinasama ng loob ni Direk Antoinette Jadaone. Pero nagkaayos na ang lahat at dumiretso sila sa London.

Sa Viva pa lang, masasabing buhay ang movie industry ngayong 2018.

Mr. & Mrs. Cruz kakaiba ang kurot ng kuwento

Pero bago ang mga nakalinyang pelikula ay panoorin muna natin ang ipalalabas na Mr. & Mrs. Cruz na showing na bukas.

Bukod sa ipinakitang ganda ng Palawan, iba rin ang kuwento nito. Interesting at hindi mo aasahan ang mga pangyayari hanggang sa ending.

Naipakita rin dito na deserve si Ryza na magbida sa pelikula. Hindi siya nagpaiwan sa husay ni JC Santos na ilang beses nang napatunayan ang galing.

Nagkita sila sa isla na parehong may hinahanap para sa sarili at doon magkakadiskubrehan ang naging konek nila sa isa’t isa.

Walang naging hesitations si Ryza sa pagpapa-sexy suot ang skimpy bikini.

Pero more than anything else, ang talagang interesting dito ay ang kuwento nina Mr. & Mrs. Cruz. Kung paanong naging ‘mag-asawa’ sila.

Si Direk Sigrid Andrea Bernardo, ang bagets na writer and director ng Kita Kita ang nasa likod din ng pelikulang ito kaya kakaiba ang kuwento pero may tama sa puso.

Angelica nasalisihan nina John Lloyd at Ellen  sa favorite restaurant

Kaaliw ang kuwento ni Angelica Panganiban sa Gandang Gabi Vice kung saan nag-guest sila ni Judy Ann Santos last Sunday night para sa promo ng pelikula nilang Ang Dalawang Mrs. Reyes. Inaya raw niya ang mga kasama sa pelikulang palabas sa restaurant na paborito nilang kainan noon ni John Lloyd Cruz. Pagdating daw niya sa restaurant na medyo matagal din niyang ‘di pinasyalan dahil nga sa ginawa ng actor sa kanya ay sinisingil siya ng staff ng restaurant ng more than P9,000. Nang tingnan daw niya ang resibo nakita niyang wala na sila sa petsang ‘yun ng actor kaya alam na niya na si Ellen Adarna ang kasama nito. Hindi raw niya binayaran. ‘Yung kasama lang niya ang babayaran niya. Kaso sabi raw ng sir (referring to JL) ay siya na ang magbayad.

“Ano’ng kalokohan ‘yun. May pirma nga eh,” sabi ni Angelica.

Anyway, kahit sabihin ni Angelica na okey na siya kaya nga nabalikan na niya ang nasabing restaurant, parang may pait pa rin naman ang mga salita niya sa nasabing guesting sa show ni Vice Ganda.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with