^

PSN Showbiz

Carlo wala nang pag-asa kay Angelica

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Carlo wala nang pag-asa kay Angelica

Carlo Aquino

Pareho nang hiwalay sa ka­nilang respective partners sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Si Ange­lica sa ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz na karelasyon ngayon ni Ellen Adarna at si Carlo na ang huling nakarelasyon ay ang kanyang longtime girlfriend na si Kristine Nieto.

Noong sina Angelica at John Lloyd pa at maging sina Carlo at Kristine, kasal na lamang halos ang kulang sa kanila pero sa hiwalayan pa rin nauwi ang lahat.

Just when everybody thought na magpapakasal na sina Carlo at Kristine, nagkahiwalay din ang dalawa pero hindi mali­naw ang sanhi ng kanilang break-up.

Ngayong parehong single muli sina Angelica at Carlo, posible kayang magkabalikan ang dalawa?

Ano sa palagay mo, Salve A?

Pero sa recent interview kay Angelica ng “King of Talk” na si Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda, tinanong ang Kapamilya actress kung posible ba siyang makipag-balikang muli sa kanyang past love agad itong sinagot ng aktres ng big NO. Would this mean kaya na wala nang pag-asa si Carlo sakali mang balakin niyang makipagbalikan sa dating ka­sintahan?

Kung hindi kami nagkakamali, si Carlo ang first love ni Angelica at may ka­sabihan “that first love never dies”. Pero ha­yaan na natin ang panahon at tadhana ang siyang magdikta sa kaparalan nina Angelica at Carlo sa hinaharap.

Janella at Elmo totohanan na ang ginawa 

Although wala pang pag-amin na nagmumula kina Janella Salvador at Elmo Magalona na may kina­laman sa totoong estado ng kanilang relasyon, marami ang na­ni­ni­wala na espesyal na ang dala­wa sa bawat isa. Ito’y mapapansin kapag magkasama ang da­la­wa sa iba’t ibang okasyon na ang isa ay ‘yung recent wedding ng nakatatandang kapatid ni Elmo na si Ma­xene Ma­galona sa mu­sician-mo­del na si Robby Mananquil.

Siguradong totoha­nang feelings nina Janella at Elmo ang mapapa­nood sa kanilang bagong movie sa bakuran ng Regal Films, ang Valentine offering ng kumpanyang pinamumunuan ng mag-inang Mo­ther Lily at Roselle Monte­ver­de.

Ang My Fairy Tail Love Story ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide simula sa araw ng mga puso, on Valentine’s day, February 14.

Pokwang binigyan ng kaligayahan ang pamilya ng dyowang Kano

Parehong may foregin blood ang dalawang anak ng Kapamilya singer-comedienne na si Pokwang (Ma­rietta Subong sa tunay na buhay) na sina Mae at Malia.

Japanese ang ama ng panganay na anak ni Pokwang na si Mae. American naman ang ama ng bagong silang na anak ni Pokwang na si Lee O’Brian.

Kung hindi namatay ang panganay na anak ni Pokwang na isang boy nung 1998 ay meron na sana siyang 25-year-old son. The boy was five nang magkasakit hanggang sa sumakabilang-bu­hay na hindi man lamang nasilayan ni Pokwang na nagtatrabaho noong OFW sa Abu Dhabi.  Iyon bale ang pinakamahirap na parte ng buhay ni Pok­wang bago pa man niya pinasok ang showbiz. Pero sa kabila nito ay biniyayaan naman siya ng dalawang anak na parehong babae.

Hihintayin muna ni Pokwang ang ilang buwan bago siya muling mag-resume sa kanyang showbiz career na pansamantala niyang tinalikuran to give way sa kanyang pagbubuntis hanggang sa pagsilang ni Baby Malia.

Samantala, ngayong nakapagsilang na si Pokwang sa unang baby nila ng kanyang live-in partner, na si Lee mukhang kasunod na rito ang kasal ng dalawa.

Si Baby Malia ay unang apo sa side ni Lee kaya tuwang-tuwa umano ang mga magulang ng banyagang actor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with