^

PSN Showbiz

Pagbibilad ng katawan ni Erich isinisisi kay Kris

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kay Kris Aquino naman isinisisi ang big­lang pagbabago ng imahe at sobrang pagpapa-sexy ni Erich Gonzales. Sa halip daw na pangaralan ni Kris ang mas nakababatang artista sa gina­gawa nito ay tila kinukunsinti pa nito. Ayun tuloy, nagpasilip na ito ng kanyang boobs sa cover ng isang magazine.

Okay na sa fans niya ang pagsusuot ng bikini o maski na ‘yung pang-aakit sa pamamagitan ng kaunting breast exposure, pero ang labis pa rito ay pagpaparamdam ba ng pagiging desperado, sa naging paghihiwalay nila ni Daniel Matsunaga? Pero ‘di ba meron na siyang milyonaryong manliligaw? ‘Di kaya ito matsipan sa kanyang pinaggagawa? At si Kris, aprub ba siya sa ginagawa ng “little sister” niya?

Andre hirap makahanap ng babae dahil sa height

Napakahirap talaga hanapan ng kapareha ni Andre Paras dahil sa kanyang height. Ang ganda na sana ng pagsisimula ng pagpapareha sa kanila ni Barbie Forteza, pero talagang lubha niyang napakatangkad para rito. Naka­kabawas pa ng kilig na hindi naman pupuwedeng palagi na lamang close-up ang kuha sa kanila kung saan ay natutulungan ng apple box ang kabataang aktres para magmukhang hindi nagkakalayo ang kanilang height.

Kaya nga marahil bilang ang projects ng Kapuso Network sa matangkad na aktor na basketball player sana ang ideal na propesyon, pero nagpasyang magtuon ng panahon sa showbiz at hayaan ang nakakabatang kapatid na sundan ang yapak ng ama sa larangan ng sports.

Kung kailan meron nang nadiskubreng puwedeng makatambal ni Andre sa katauhan ng mabilis na sumisikat na si Mikee Quintos na nasimulan na niyang maka-bonding at makakasama sa isang serye ng GMA na Sirkus at saka pa dumating ang isang Klea Pineda na makakasama rin niya sa nasabing serye. Produkto ng StarStruck ang baguhang artista na sinubukang sumali sa isang modeling contest, ang Asian Supermodel kung saan ay nakuha niya ang titulong Miss Photogenic. Magsisilbing jumping board ni Klea ang naging achievement sa nasabing paligsahan para ipagpatuloy ang pangarap na matanghal na beauty queen sa mga susunod na taon.

Samantala, ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aartista. Pinagiisipan ng GMA kung puwede siyang gawing kapareha ni Andre dahil matangkad siya at aalamin pa muna kung may chemistry sila, at kung tatanggapin sila ng manonood bilang isang tandem.

Apo ni Digong hindi natupad ang plano

Nakakalungkot naman na wala ang lolo niyang si Pangulong Rodrigo Duterte at amang si Paolo Duterte sa katatapos na bonggang debut ng nag-aartistang si Isabelle Duterte.

Kahit gaano kaabala ang pangulo, makakadalo naman siguro ito sa okasyon kung ginusto niya.

Sino kaya ang first dance ng debutante? She would have been ecstatic na makapareha rin ang lolo niya sa 18 Roses.

Maganda rin sanang promo ang okasyon sa pagsisimula ng karera niya sa showbiz.

Pokwang biglang kinainggitan

Mukhang marami ang na-inspire kay Pokwang sa ginawa niyang pagbubuntis at pagsisilang ng anak sa kanyang edad. Kung sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na dati ay papetiks-petiks lamang sa pagkakaroon ng anak, ngayon ay nagmamadali nang madagdagan ang kanilang pamilya.

Target din ng pulitikong si Jules Ledesma at asawang si Assunta de Rossi ang pagkakaroon nila ng anak. Matagal na silang mag-asawa, pero hindi magawang iwan ng aktres ang kanyang trabaho na siyang sinabi ng doktor na kaila­ngan para magbuntis.

After more than 10 years, handa nang i-prioritize ng aktres ang pagpapamil­ya. Good luck sa kanilag mag-asawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with