^

PSN Showbiz

Juday namigay ng anak!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Juday namigay ng anak!

Judy Ann Santos

PIK: Congratulations kay Allen Dizon na muli na namang nakasungkit ng Best Actor award sa isang international film festival.

Ito ‘yung katatapos lang na 16th Dhaka International Film Festival sa Bangladesh.

Isinali rito ang pelikulang Bomba ni direk Ralston Jover na pinagbibidahan ni Allen.

Hindi pa naman naipalabas dito ang naturang pelikula, pero nagsimula nang umikot sa mga international filmfest. Ito raw kasi muna ang focus nila para dagdag na ring publicity bago ipalabas dito sa atin.

PAK: Kararating pa lang ng NAIA terminal 2 nina James Reid at Nadine Lustre noong kamakalawa ay kaagad nag-text sa amin ang isang die-hard faney nila para sabihin sa aming natuloy na raw uli si direk Antoinette Jadaone sa pelikula ng controversial loveteam na Never Not Love You.

Ang dami kasing JaDine fans ang nakiusap sa social media account ni direk Antoinette na tapusin na niya ang naturang pelikula.

Ayaw nang sagutin pa ng magka-loveteam ang isyu ng pagka-pack ng shooting. Ang mahalaga ay tatapusin na nila ito nga­yon. Na-master na rin daw nila ang art of dedma, para hindi na sila maapektuhan ng mga negatibong komento tungkol sa kanila.

BOOM: May bagong baby na palang in-adopt ang mag-partner na sina direk Jun Lana at direk Perci Intalan.

Makahulugan ang isang post ni direk Jun sa kanyang Instagram account kung saan nagpapasala­mat siya kay Judy Ann Santos sa bagong precious gift daw na dumating sa kanila.

Bahagi ng post ni direk Jun sa kanyang IG ac­count, “This movie (Ang Dalawang Mrs. Reyes) will remain dear to my heart for a very special reason: just days before we warapped up, Perci and I received something precious in which Juday was quite instrumental.

“Working with Juday the first time was a big break and a wonderful opportunity. This second time, she has given me not only a beautiful performance, but also a life-changing gift. For that Perci and I will always be grateful.”

Kung ano man ang naitulong ni Judy Ann sa bagong baby ng mag-asawang direk Perci at direk Jun, ayaw na nilang idetalye para na lang daw sa privacy ng bagets.

Natawa na lang kami sa text sa amin ni direk Perci kung paano napasakanila ang baby.

“Basta, huwag na lang nating pag-usapan kung paano nangyari. Isipin na lang nila nanganak ako bakit ba hahaha!”

Dagdag pang text niya sa amin, “Marami kasing nagsabi na tumataba ako. ‘Yun na pala ‘yun ang totoo hahaha!”

Bale pangalawang baby boy na itong anak nina direk Perci at direk Jun na talagang personal nilang inaalagaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with