^

PSN Showbiz

Marian hiningal nang sumayaw na parang nagwawalis!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Marian hiningal nang sumayaw na parang nagwawalis!

Marian Rivera

Katuwa si Marian Rivera sa dance number niya kahapon sa Sunday PinaSaya nang ami­ning hinihingal siya. In all fairness, nakaka­hingal naman talaga ang dance num­ber niya na parang nagwawalis. 

Anyway, tumanggap si Marian ng 1st NCST Dangal ng Bayan Award 2018 at nagpasalamat ang aktres sa National College of Science and Techno­logy ng Dasmariñas City. Si­guradong kasama ang drama anthology na Tadhana na ihinu-host ni Marian at Super Ma’am kung bakit nabigyan siya ng award.

Speaking of Super Ma’am, last Monday na nito at sa January 26 na malalaman ang ending ng fantasy/action series. May kasama sa cast na nag-post ng parang wedding scene, pero hindi sinabi kung sino sa mga karakter ang ika­kasal.

Naiba ang story ng Super Ma’am dahil hindi na si Matthias Rhoads, kung hindi si Enrico Cuenca na ang lumalabas na leading man ni Marian. Kapag nagkataon ay ang suwerte nito.

Alden balik-Pinas 

Ngayong Lunes ang balik nina Alden Richards mula sa Sydney, Australia kung saan siya nag-concert kasama si Betong Sumaya. Kasama ni Alden sa Sydney ang amang si Richard Faulkerson, Sr. Sa presscon bago ang concert ni Alden, nabanggit nitong mula ngayon, tuwing mag-a-abroad siya, magsasama siya ng member ng kanyang pamilya para may bonding sila.

Napapansin ng fans ni Alden na madalas blue ang kanyang suot, T-shirt man o polo. In-adapt na pala nito ang blue as the color of his solid fans. In fact, ang Twitter followers niya ay may blue heart na nakalagay sa kani-kanyang Twitter handle.

 JC at Teetin may balikan?!

Hindi pa rin dine-delete ni JC Santos sa kanyang Instagram (IG) account ang pictures nila ng ex na si Teetin Villanueva. Maging ang post niya tulad kung paano nagsimula ang relasyon nilang dalawa ay mababasa pa rin.

In all fairness kay Teetin, hindi pa rin nito dine-delete sa IG ang photos nila ni JC at mababasa pa rin ang mga post nito lalo na ‘yung early days ng kanilang relasyon.

Tanong ng nagmamahal kina JC at Teetin, may pag-asa pa bang magkabalikan ang dalawa? 

Si Teetin, in-open uli ang comment box sa post niyang “Time discovers truth,” kaya may mga comment na uli ang followers niya laban kay JC.

Janine itutuloy ang love team Kay Alden

May special participation si Janine Gutierrez sa Sher­lock, Jr. bilang GF ni Ruru Madrid. Ilang epi­sodes lang mapapanood si Janine dahil may mangya­yari sa kanyang karakter. Dahil dito, hindi siya dapat bina-bash ng ilang fans ng love team nina Ruru at Gabbi Garcia na parang aagawin niya ang binata sa aktres.

Sabi ng fans ni Janine, walang dapat ikatakot ang GabRu fans dahil may Rayver Cruz na si Janine. Ayun, nadamay tuloy sina Ruru at Rayver at pati sila ay kinukumpara.

Ang karakter ni Janine sa serye ay human o owner sa Golden Retriever na si Siri at hindi naging mahirap sa kanya ang makipag-bonding sa aso. Dog lover si Janine at marami silang alagang aso sa bahay. May aso rin siya sa condo at pati mom niyang si Lotlot de Leon ay may alaga rin.

Dahil sa special participation lang si Janine sa serye na magpa-pilot sa Januar­y 26, tanong ng fans kung ano ang teleseryeng gagawin ng aktres na siya ang bida at full length.

May mga nagre-request na si Janine ang ipareha kay Alden Richards sa gagawin nitong teleserye. Puwede kaya ito GMA 7?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with