^

PSN Showbiz

Kahit magmukhang hukluban na, mayamang female personality makuwenta pa rin parang pinaglihi sa calculator

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang text message ang tinanggap namin mula sa isang numerong wala sa aming phonebook. Kumakagat ang kabuuan ng mensahe, meron itong pinatutungkulang pamosong female personality, pero hindi naman namin mahulaan kung sino.

Ang kanyang sabi, “Puhunan ng mga artista ang ganda at talento sa pag-arte. Pero siyempre, habang nagkakaedad sila, e, nagbabago na rin ang katawan nila at itsura. Du’n na pumapasok ang enhancement.

“Nagpapa-nose job sila, dumadaan sa kung anu-anong process para sila bumata. Maraming gumagawa ng ganu’n dahil kailangan nilang magpagawa. Hindi napipigilan ang pagtanda.

“Pero may isang female personality na hindi magpapagawa. Not because ayaw niya kahit mukhang matanda na siya, but because sobrang kuripot siya! Ayaw niyang malagasan ang bulsa niya. Napakayaman na niya, pero never siyang magpapabago ng kahit anong part ng mukha at body niya.

“Sobrang kuripot ng female personality na ‘yun! Masyado siyang makuwenta, ipinaglihi siya sa calculator, ayaw niyang gumastos kahit pa kailangan na dahil matanda na ang registration niya sa screen!

“Kahit pa magkamuka na siyang hukluban, e, hindi pa rin siya magpapagawa kahit invasive process lang, dahil ayaw niyang maglabas ng datung!” kabuuan ng mensaheng tinanggap namin.

Maraming babaeng personalidad na ang nagkakaedad ngayon, ang iba ay sumasailalim sa proseso ng thermage (tulad ni Korina Sanchez), para mas sumariwa ang kanilang itsura.

Pero sino kaya ang female personality na tinutukoy ng aming texter? Napakayaman na raw niya, pero sobrang kuripot, makuwenta raw ang babaeng personalidad. Pati kaya ang kanyang itsurang tumatanda na talaga ay pagkukuriputan pa rin ng aktres?

Sino kaya ang female personality na ito? May naglalaro bang pangalan sa inyong isip kung sino siya? Makuwenta, ipinaglihi sa calculator, super-kuripot nga ang female personality na ito!

Ubos!

Young actress laging pinaiiyak ng BF na hari ng seloso!

E, sino naman ang young actress na palaging nakikitang umiiyak ng kanyang mga kasamahan sa isang serye? May pinoproblema ang magandang young actress, ang kanyang boyfriend na young actor, na hari ng pagkaseloso at insecure.

Sa halip na maging inspirasyon niya ang guwapong bagets ay panira pa ito sa kanyang trabaho, dahil kung pagsalitaan siya nito ay parang mag-asawa na sila. Nuno ng pagkaseloso ang young actor na matinding nagpapahirap sa kalooban ng magandang aktres.

Sabi ng aming source, “Huwag na kayong magugulat kung one day, e, nalaman n’yong break na sila. Ang girl ang siguradong kumalas, dahil sobrang seloso at very insecure ang BF niyang guwapo naman, may kaliitan nga lang!” sabi nito.

Ubos uli!

Dating sexy star na si Kristine Garcia, napabayaan ang katawan!

Nasilip namin sa Maalaala Mo Kaya si Kristine Garcia, dating teenstar, na sumalang din sa mga seksing pelikula nu’n ng Regal Films. Napanood namin ang pinagbidahan niyang Exploitation kung saan kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Sa paglipas nga ng panahon ay nagbabago ang itsura ng mga personalidad. Maganda pa rin si Kristine, at hindi pa kinakalawang ang kanyang pag-arte, pero ang kanyang katawan ay dumoble na kundi man trumiple sa laki.

Ilang dekada na ang nakararaan nang hindi na siya maging aktibo sa pag-aartista, balita nami’y nagdesisyon siyang tumutok na lang sa kanyang pamilya, kaya napabayaan na siguro niya ang kanyang katawan.

Text sa amin ni prop, “Anyare? ‘Di ba, nagpapa-sexy pa nu’n si Kristine? Bakit ganito na ang katawan niya ngayon, aparadoric na ang size niya? Hindi niya inalagaan ang katawan niya.

“May plano pala siyang magbalik, kaya sana, isiningit niya ang pag-aalaga sa katawan niya. Pero in fairness, maganda pa rin siya kahit pa lumobo na nang todo ang katawan niya!” komento ng kaibigan naming propesor.

At kumusta na kaya ang maganda rin niyang mommy, ang dating aktres na si Vivian Lorraine, ang pinagmanahan ng kagandahan ni Kristine Garcia?

Nakaka-miss ang mga artista nu’ng dekada otsenta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with