^

PSN Showbiz

Young actress maraming naubos na pera sa ex na young actor

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

True kaya na malaki ang nakuhang datung ng young actor sa ex niyang aspiring actress na related sa isang beauty queen?

Ang sabi ng isang nagkuwentong malapit sa pamilya ng aspiring actress, marami itong nagastos sa kanyang naging boyfriend. Imbes daw kasi na ang young actor ang gumastos, ang girlfriend na young actress ang naglalabas ng pera noon sa kanila.

Bukod dun ay may mga utang pa raw ito sa aspiring actress na ang alam ng source ay hindi na nabayaran hanggang maghiwalay na sila.

Iba na ang karelasyon ng young actor na may isyu rin sa pamilya ng bagong girlfriend.

Hindi kaya pera rin ang hindi pinagkakaayusan ng girlfriend at ng pamilya nito kaya ayaw nila sa actor?

Wala sa hitsura ni young actor ang kuwento tungkol sa kanya pero maraming alam ang source tungkol sa nakaraan nila ni young actress na hindi visible sa showbiz ngayon.

Elmo Magalona at Janella Salvador

Trailer ng My Fairy Tail… ang lakas ng dating

Uy, ang lakas ng trailer ng My Fairy Tail Love Story na starring ang magka-loveteam na sina Janella Salvador and Elmo Magalona.

May kilig at nakakatuwang parang musical ang movie kung saan maririnig ang magandang boses ni Janella sa ibang dialogue niya. Maging si Elmo ay may part na kumakanta sa official trailer na inilabas ng Regal Films na may more than 1.5 million na ang views.

Showing ang pelikula sa February 14, Valentine’s Day at so far ay wala pang nababalitang ibang pelikula na lalabas ng same date.

Mukhang jackpot na naman si Mother Lily Monteverde sa My Fairy Tail Love Story.

Pang fourth ang Haunted Forest ng Regal Films sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya hanggang ngayon ay masaya pa si Mother Lily.

Kyla

Kyla int’l rapper ang kasama sa bagong single

Ipinagdiriwang ng Queen of R&B na si Kyla ang ika-18 taon niya sa industriya at dahil dito, balik recording siya sa paglulunsad ng kanyang bagong single mula sa Star Music na may titulong Only Gonna Love You  kasama ang Singapore-based international rapper na si REQ.

Ang nasabing bagong single ni Kyla ay opisyal nang inilabas kasabay ang paglunsad ng music video nito na ang aktor na si John Prats naman ang nagsilbing direktor, kasama sina Sam Milby at Angelica Panganiban sa ilalim ng Bright Bulb Productions. Ito ay unang ipinalabas sa MYX noong Enero 19.

Magkakaroon na rin ng launching ang kanyang second lead single na Fix You And Me sa darating na Pebrero 2 kasabay ng paglabas ng music video nito, at ka-abang-abang ang magiging koneksyon ng kuwento nito sa nauna nang ipinalabas na Only Gonna Love You music video.

Ang Star Music audio content head na si Jonathan Manalo ang nagsilbing composer at producer ng mga bagong awitin ni Kyla.

Ang Only Gonna Love You single ni Kyla na available na sa mga digital store. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with