^

PSN Showbiz

JM handa na sa pagbalik, umaming nalulong sa droga at alak

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
JM handa na sa pagbalik, umaming nalulong sa droga at alak

Hindi ko na nagawang hintayin ang rebelas­yon ni JM de Guzman sa programa ni Korina Sanchez na Rated K tungkol sa na­ging pagtigil niya sa kanyang pag-aartista ng dalawang taon dahil mamayang gabi pa ‘yun magaganap at hindi ka­kayanin ng deadline ko rito sa Pilipino Star NGAYON na maghintay ng ganun katagal.

Makuntento na kayo sa kaunting napag-alaman ko na hindi lamang ang pagkakalulong niya sa ipinagbabawal na gamot ang nagdala sa kanya sa isang rehab sa Talisay, Batangas kung hindi nalulong din siya sa alak. Nakatulong pa ang labis na depresyon niya dahil sa pagkakatanggal niya sa seryeng All Of Me kung kaya nag-landing siya sa isang rehab at na­natili sa loob ng dalawang taon.

Nakabalik na siya noong una at nagsisimula nang magparamdam muli, pero nawala din agad. Siguro dahil sa hindi pa siya magaling na magaling kaya nabitin pa sa paghihintay ang fans at suppor­ters niya.

Sa ikalawang pagbabalik niya ay nakita ang malaking pagbabago ng aktor, ang malaking determinasyon na mabalikan ang iniwang trabaho. Ngayon ay handang-handa na siyang humarap uli ng camera.

Ang guwapo niya at napakaganda ng kanyang aura sa clip na napanood kung saan ay ini-interview siya para sa Rated K.  

AiAi inggit na inggit kay Pokwang

Kung si Pokwang ay nagawang magbuntis pa at makapagsilang ng anak nila ni Lee O’Brian na isinilang niya via caesa­rean, nangangarap din si AiAi delas Alas na mabig­yan ng anak ang asawa niyang si Gerald Sibayan.

Wala pang 50 years old si Pokwang at lampas na naman dito si AiAi, pero hindi ito dahilan para hindi siya umasam na magkaroon pa ng bunsong anak.

Aljur, si Robin na lang ang problema

Napaka-ganda ng dala ng 2018 kay Aljur Abrenica. Maliban sa problema nila ni Robin Padilla, dahil sa hindi nila pagpapakasal ng anak nitong si Kylie Padilla ay maganda naman ang tinatakbo ng kanyang ginawang paglipat mula sa ABS-CBN.

Mula nang maging Kapamilya ay hindi na siya nabakante. Mula sa paggi-guest ng isang linggo sa Ang Probinsyano at pagsalang sa Maalaala Mo Kaya na batid ng lahat ay iginagawad lamang sa mga magagaling na artista ay kabilang siya ngayon sa apat na bida ng seryeng Asintado, kasama sina Pau­lo Avelino, Shaina Magdayao, at Julia Montes.

Sa napakaikling panahon niya sa Dos ay mata­gumpay siyang nakakawala sa paratang na hindi siya nakaaarte.

Umaasa na lamang ang bagong lipat na artista na magpatuloy ang pagtitiwala sa kanya ng Kapa­milya Network at patuloy siyang mabigyan ng magagandang proyekto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with