Pangulong Duterte inisnab ang grand debut ng apo!
Pero PSG nagkalat
No show ang mag-amang Pangulong Rodrigo Duterte at resigned Davao Vice-Mayor Paolo Duterte sa lavish grand debut ni Isabelle Sumera Duterte na ginanap sa Rigonon Ballroom of Manila Peninsula in Makati City last Friday night, January 19, 2018.
Si Isabelle ay apo ni Pangulong Digong at anak ni Davao Vice Mayor Paolo Duterte sa kanyang ex-wife na si Lovelie Sangkola Sumera.
Noong nakaraang December ay naging controversial ang pre-debut pictorial shoot ni Isabelle na kinunan sa loob ng Malacañang Palace kung saan naka-background ang Presidential Seal. Ito rin ang naging daan ng “away” ng mag-amang Paolo at Isabelle sa social media. Bukod sa shoot sa Malacañang ay dumayo pa si Isabelle and her team sa Sydney, Australia for another series of shoots kung saan nito ipinakita ang iba’t ibang mamahaling gowns na gawa ng iba’t ibang Pinoy fashion designers tulad nina Garimon Roferos, Rosenthal Tee, at Rica Rico habang ang kanyang isinuot na electric blue gown sa kanyang debut ay gawa ng Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco.
Inakala ng marami na darating sa grand debut ni Isabelle si Pangulong Duterte dahil nagkalat sa venue ang PSG (Presidential Security Group) bago nagsimula ang event hanggang sa pagtatapos nito pero walang trace ng Pangulo ang dumating. The President opted to stay in Davao instead.
Tiyak ding na-disappoint si Isabelle at mga bisita nito sa pag-aakalang dadalo si Pangulong Digong sa luxurious debut party ng kanyang apo.
Balak umanong mag-showbiz ni Isabelle sa tulong ni Annabelle Rama.
- Latest