^

PSN Showbiz

Nadine may problema sa leeg, may scoliosis din!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nadine may problema sa leeg,  may scoliosis din!

Isyu ng pagli-live in nila ni James, makahulugan ang sagot

Kamakailan ay pumutok ang balitang nadismaya umano ang direktor na si Antoinette Jadaone sa ginagawang bagong pelikula nina Nadine Lustre at James Reid. Naaantala diumano ang shooting ng pelikula dahil sa pagbibigay ng problema ng dalawang bida sa direktor kaya posibleng hindi na lamang daw itutuloy ang proyekto.

“Tuloy na tuloy, Tito Boy. I guess kasi the shoot has been pushed back lalo na lately Tito Boy. Last week no’ng weekend kasi na ‘yon before that I was getting sick. Fever, headache and then body pain and later we found out that I had an inverted cervical curve. It means my neck instead of going out, it goes in. and then I have scoliosis also which causes the headache and the fever, lahat Tito Boy,” paglilinaw ni Nadine.

Samantala, noong isang taon ay matapang na sinagot ng aktres ang tungkol sa pagli-live-in na umano nila ng kasintahang si James Reid. Ngayong taon ay mas nanaisin na lamang daw nina Nadine na huwag nang ipaalam sa publiko ang tungkol dito. “I guess Tito Boy that’s the kind of… ‘yung sagot namin diyan will be just for us na lang. If we are, okay. If we are not, okay. Para sa amin na lang,” makahulugang pahayag ni Nadine.

Melissa ginagawa lahat ng exercise para lang pumayat

Pansamantalang iniwan ni Melissa Ricks ang pag-aartista mula nang magbuntis at magkaroon ng anak apat na taon na ang nakalilipas. Ngayong taon ay balak nang bumalik ng aktres sa trabaho pero kinakailangan pang magbawas ng timbang.

“Right now hindi pa rin ako tumatanggap because I’m trying to work on my weight. Hopefully maabot natin ‘yung dapat nating maabot then I’ll probably be ready to go back. Meron namang mga offers na guestings pero I want to come back a better and a new me so hintay-hintay na lang muna,” nakangiting bungad ni Melissa.

Iba’t ibang klaseng pagwu-workout ang ginagawa ng aktres upang mas mapabilis ang pagpapapayat. “I’m doing Plana Forma which are bar exercises. I also run in U.P. I’m trying a new workout. It’s more of weight training. I exercise twice a week lang pero iba-iba. Then the rest of the week I just rest because the machines at Marie France are melting the fats for me and firming it up so parang extra help lang ‘yan,” pagbabahagi ng aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with