^

PSN Showbiz

Arnold Clavio naloka sa pagiging tsismosa at pagsakay sa isyu ni Karen Davila!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Arnold Clavio naloka  sa pagiging tsismosa at pagsakay  sa isyu ni Karen Davila!

Sakay sa isyu.

Ito ang hashtag kahapon ni Arnold Clavio sa kanyang Instagram post na naka-address kay Ms. Karen Davila.

Is this your post @iamkarendavila? Can’t believe you didn’t even get our side... Halatang hindi mo kasi napanood o napakinggan eh at naki-tsismis ka lang. ‘Solidarity and cou­rage’ ba kamo? Yun nga ang mensahe ng Balitawit ko. Eto ang refrain para sa kaalaman mo, “Panahon na naman ng paglaban Panahon na naman...
Panahon na naman ng paglaban. Gumising ka Tara na!” Filipino yan. Pakitanong na lang kay
Vic Lima ang ibig sabihin ng laban. Glad to know that Nanay Edith Burgos, mother of Jonas seen it and this is her reaction. “Salamat sa balitawit. We stand by you in the fight for press freedom. Di na tayo papayag na kitlin muli ang kalayaan sa pamamahayag. Mag ingat po tayong lahat.”

“Maraming salamat sa nakaintindi. Sa hindi like you, sorry na lang. #sakaysaisyu @dzbb594 #balitawit,” ang buong caption ni Igan sa kanyang post kung saan ginamit niya ang reaction ni Ms. Karen na “Yes! Key words – solidarity & courage. It saddens me to hear some colleagues making jokes on air on Rappler being shut down or which one’s next” na obvious na ang pinatatamaan nga ay ang portion nila Mr. Arnold na balitawit sa DZBB (na napapanood din sa TV).

Ang point ni Mr. Clavio sa kanyang IG post ay puwede naman siyang i-text bilang magkakilala naman sila. May pahaging din siya na baka kasi ganun ang reaction ni Karen dahil natatalo raw ng programa niyang Alisto ang programa ni Karen na My Puhunan at ma­ging ang Bandila ng Saksi base sa survey ng AC Nielsen. “Baka kasi talo sa ratings kaya mainit ang ulo. Overlaps ratings for jan16 (AC Nielsen) Alisto 1.7 vs bandila .8,” reply ni Mr. Clavio sa kanyang follower na nag-react kung bakit hindi na lang siya itinext ni Ms. Karen.

May point din naman. Puwede namang ma­g-text o tumawag na siya bilang dati naman silang magkasama sa GMA News.

Hmmm, baka hindi nga narinig ni Ms. Karen ang programa nina Igan with Mr. Mike Enriquez and Ms. Ali Sotto bago siya nag-react?

Sabagay, isa si Ms. Karen sa TV news personality na mahilig mag-ingay sa social media.

Habang isinusulat ko ito ay wala pang sagot si Ms. Karen sa post ni Mr. Clavio.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with