^

PSN Showbiz

Bagong fantasy series na Sirkus, bukas na ang simula!

Pilipino Star Ngayon
Bagong fantasy series na Sirkus, bukas na ang simula!

Mikee at Mikoy

MANILA, Philippines — Simula ngayong Linggo, January 21, sama-samang mamangha sa pinakabagong adventure-filled fantasy series ng GMA Network na pagbibidahan nina Mikee Quintos at Mikoy Morales—ang Sirkus.

Ang Sirkus ay isang family-oriented program tungkol sa kambal na sina Mia and Miko na makakasama ang grupo ng salamangkero na kilala bilang Sirkus Salamanca matapos nilang makatakas sa mga kamay ng kontrabidang si La Ora na gagampanan ng batikang aktres na si Ms. Cherie Gil.  Sa piling ng Sirkus Salamanca, hindi lang nila madidiskubre ang mga naitatagong lihim ng kanilang new-found family,  lalo pang makikilala ng kambal ang kanilang mga sarili.

Magiging sandalan nina Mia at Mikoy  ang mga bumubuo sa Sirkus Salamanca na bibigyang-buhay ng mga Kapuso star na sina: Andre Paras bilang si Martel—ang binatang hindi masusukat ang taglay na lakas; Chariz Solomon bilang si Astra—ang kanang kamay ni Leviticus sa Sirkus Salamanca at isang manghuhulang ginagabayan ng mga pangitain; Sef Cayadona bilang si Al—ang sirkerong kinabibi­liban ng mga manonood dahil sa acrobat stunts nito; at Klea Pineda bilang Sefira—ang maganda at ka­mangha-manghang babaeng gu­ma­­gamit ng apoy bilang sandata sa pakikipaglaban.

Makakasama rin nila ang beteranong aktor na si Gardo Versoza bilang si Leviticus. Siya ang magsisilbing lider ng Sirkus Salamanca at ama-amahan ng kambal.

Makakasabwat naman ni La Ora sa paghahanap sa kambal sina Luca at Facundo na gagampanan nina Divine Tetay at Gerard Arca.         

May espesyal na pagganap rin sa serye sina Zoren Legaspi at Angelu de Leon bilang mga magulang ng kambal na sina Miguel at Liza.

Ang Sirkus ay mula sa award-winning team ng GMA Public Affairs sa konsepto ng Program Manager na si Angeli Atienza at sa direksyon ng internationally-awarded writer-director na si Zig Dulay.

Samahan sina Mia at Miko sa kanilang paglalakbay sa mahiwagang mundo ng Sirkus, tuwing Linggo, 6:10pm, simula ngayong January 21, sa  GMA-7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with