^

PSN Showbiz

Anak ng labandera na inangkin ng amo aaksyonan

Pilipino Star Ngayon
Anak ng labandera na inangkin ng amo aaksyonan

Vina at Candy

MANILA, Philippines — Gaganap si Vina Morales bilang isang inang ninakawan ng anak ng kanyang sariling amo ngayong Sabado (Jan 20) sa Ipaglaban Mo.

Kahit hiwalay na sa asawang si Ambo (Christopher Roxas), maayos na binubuhay ni Anita (Vina) ang kanyang apat na anak bilang labandera ng mag-asawang sina Levi (Candy Pangi­linan) at Jess.

Dahil sa matagal ni­yang paninilbihan sa da­lawa ay pinapayagan na siya nitong dalhin ang bunsong anak na si Sonny sa kanyang trabaho. Ngunit isang araw ay ti­nangay na pala ng mag-asawa si Sonny ng hindi niya inaasahan. Mabawi pa kaya ni Anita ang anak sa mag-asawa?

Huwag palampasin ang Angkin sa ilalim ng direksyon ni Eric Quizon ngayong Sabado (Jan. 20), pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with