^

PSN Showbiz

Valentine concert ng local artists ayaw gastusan ng fans dahil kay Celine Dion

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Valentine concert ng local artists ayaw gastusan ng fans dahil kay Celine Dion

Celine

Huwag naman nating payagan na matabunan ang concert na gagawin ng mga local artist natin, lalo na  nga­yong  Valentine’s Day. May mga nakausap akong mga grupo ng mga kababaihang corporate workers na hindi na panonoorin ang isang malaking Valentine show dahil pag-iipunan ang show ni Celine Dion na sa Abril pa magaganap.

Napakamahal ng ticket ng British artist pero, pi­nag­hahandaan na ito ng Pinoy music lovers dahil first time nilang makikita at maririnig si Celine samantalang ilang ulit na nilang napanood ng magkakahiwalay ang mga local artist na may palabas sa Araw ng mga Puso.

Korina may K magpaganda

Bakit ba bina-bash si Korina Sanchez dahil lang ang laki ng iginanda niya. Obligasyon naman ng lahat  ng ce­le­brity na maging maganda palagi sa pani­ngin ng publiko at kung afford naman niya, bakit hindi? Reklamo lang naman ng netizen ay maganda na siya, bakit kailangan pa niya ng enhancement? I’m sure with her new look ay mas nabigyan pa ang TV host ng feeling of confidence and security, lalo’t mara­ming taon ang nawala sa tunay niyang edad.

Dalagang nalulong sa cybersex, tampok sa MMK

Isang dalagang puno ng kalbaryo sa buhay ang gagampanan ni Claire Ruiz ngayong gabi sa isa na namang madamdaming episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK).

Lumaki si Abegail (Claire) sa isang relihiyosong pamilya dala ng amang pastor. Ngunit mawawasak ang kanyang pana­nampalataya nang ma­matay ang ama dahil sa sakit na aneu­rysm, at isisisi niya sa Diyos ang sinapit ng kanyang pamilya.

Dala ng galit, unti-unting magrerebelde si Abegail. Hindi pa nakatulong ang pag-alis ng nanay niya patu­ngong Thailand, kaya’t lumala pa ang lahat nang pinili niyang magdroga at kalaunan ay mapupunta pa sa mundo ng cybersex.

May pag-asa pa kayang magbago si Abegail? Paano siya babangon mula sa pagkakasadlak?

Makakasama rin sa upcoming episode sina Kristine Garcia, Simon Ibarra, Dominic Roque, Mara Lopez, Jon Lucas, Mutya Orquia, JB Agustin, Prince Stefan, Kim Molina, Nikki Gonzales, Ali Khatibi at Tom Doromal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with