^

PSN Showbiz

Sexy Star na nakulong dahil sa droga, handang mangatulong at maging labandera kapag nakapagpiyansa

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Sexy Star na nakulong dahil sa droga, handang mangatulong at maging labandera kapag nakapagpiyansa

Sabrina

Hashtag Ryle pumiyok sa kumalat na scandal

PIK: Ang hashtag member na si Ryle Santiago ang napiling brand ambassador ng Megasoft Hygienic Pro­ducts, Inc, para i-endorse ang Cherub Baby Care Products. Sabi ng VP for Marketing ng Megasoft na si Aileen Choi-Go, ang unang tinitingnan nila sa isang endorser ay ang educational background nito dahil nag-iikot sila sa mga eskuwelahan sa buong bansa para ma-promote ang kanilang advocacy na makatulong sa mga mag-aaral.

Nakita raw nila ito kay Ryle na isa palang full scholar sa kursong Bachelor of Arts in Film sa Meridian International College. Kaya naman proud ang mommy niyang si Sherilyn Reyes-Tan na todo ang suporta sa anak.

Pero kahit pa-wholesome si Ryle, hindi naman siya nakaligtas sa mga intrigang siya raw ang may-ari ng litratong nakahubad at kitang-kita ang kabuuan nito, na parang may ka-sexchat siya.

Sabi ni Ryle, ayaw daw niya ng ganung ka-chat na mapapagod lang daw ang kamay niya. “Gusto ko in person na. Kaya hindi po ako ‘yun,” pagtatanggi ni Ryle.

Abala muna ngayon si Ryle sa Asintado at sa It’s Showtime. Kapag maayos na raw nila, magsisimula na siyang mag-school tour para sa Cherub.

PAK: Masaya at puno ng asaran ang presscon ng Timeless OPM na Valen­tine concert nina Rico Puno, Rey Valera, Claire dela Fuente at Imelda Papin.

Kamakalawa lang ginanap ang presscon sa Icon Hotel sa Timog, QC na kung saan paulit-ulit na inookray ni Rico J sina Imelda at Claire,

Sabi ba naman ni Rico, parang kasinlaki raw ng mukha ni Claire ang braso niya kaya hindi na raw niya alam kung alin ang mukha at alin ang puwet.

“Walanghiya ka! Buwiset!” tili ni Claire kay Rico J.

Naloka naman si Imelda nang sinabihan sila ni Rico na ‘formalin beauties’.

Kaya raw hindi na kasali si Eva Eugenio sa kanila dahil nawala na raw yata ang ilong nito. Nakakapikon talaga ang ganung biro kapag hindi mo kilala si Rico J.

Masaya silang panoorin kapag ganun na ang asaran, pero naloloka si Imelda na tawagin siyang ‘formalin beauty’.

Kaya nung nagmi-meeting sila, nari­nig naming okay lang daw na paglaruan ang edad nila, “pero huwag naman formalin beauty,” himutok ni Imelda.

Pero si Rico J naman ay mag-65 years old na pala sa birthday niya sa Feb­ruary 13 kaya pinag-iisipan na rin daw niyang mag-retire.

Gusto ni Rico na magkaroon muna ng malaking concert, at binubuo pa niya ang album niya na kung saan kasama niya sina Gloc 9, Ogie Alcasid, Martin Nievera at pati sina Imelda at Claire.

Pagkatapos ng 65th birthday ni Rico J sa February 13, kinabukasan naman ang kanilang Valentine Concert na Timeless OPM na gaganapin sa Newport Perfor­ming Arts Theater ng Resorts World Manila.

BOOM: Awang-awa si Katrina Paula nang dalawin niya kamakailan lang si Sabrina M na nakakulong pa rin sa Camp Karingal na may kaugnayan sa kaso ng droga.

Dalawang taon na palang nakapiit ang dating sexy star at kamakailan lang ay inilabas na raw ng korte na puwede siyang magpiyansa ng halos 500 thousand pesos.

Pero walang pampiyansa si Sabrina, kaya sa awa ni Katrina, nagsisimula na siyang manghingi ng tulong sa mga kaibigan para makalikom ng sapat na halagang pampiyansa kay Sabrina.

“Nakakaawa siya talaga. Halos dalawang taon na siyang natutulog sa sahig. Malayong-malayo na siya sa dating Sabrina na dati bumababa pa lang ng hagdanan naaamoy mo na ang bango niya. Ngayon iba na eh. Kaya kawawa naman,” paha­yag ni Katrina.

“Nakita ko naman na pinagsisihan na niya lahat na nagawa niya, at accepted na niya ang pagkakamali niya.

“Sana mabigyan naman siya ng isa pang chance, kasi nakita ko naman na magbabago na siya talaga eh. Hindi na nga niya alam kung nasaan na ang mga anak niya eh. Kaya hahanapin pa raw niya ito.

“Hindi ko naman kinukunsiti dito ang drugs, kasi kahit artista ka, kapag masangkot ka sa drugs, lagot ka. Kaya nagsisisi na siya talaga,” dagdag niyang pahayag.

Balak sana ni Katrina na mag-fund raising para sa pampiyansa kay Sabrina. Balak daw niyang la­pitan si Robin Padilla at ilan pang malalaking artista na kung puwedeng tulungan daw na makalabas ang dating sexy star.

Sabi raw ni Sabrina, kapag makalabas daw siya, willing daw siyang maging katulong o kahit labandera basta makapagtrabaho lang siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with