^

PSN Showbiz

Pia tatanggalin ang pagigingMiss Universe kay Gerald!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pia tatanggalin ang pagigingMiss Universe kay Gerald!

Pia at Gerald

Nakatakdang magtambal sa pelikulang My Perfect You ng Star Cinema sina Pia Wurtzbach at Gerald Anderson. Si Cathy Garcia-Molina ang magdidirek ng nasabing proyekto. Ngayon pa lamang ay excited na raw makatrabaho ng Miss Universe 2015 sina Direk Cathy at Gerald.

“Sana marami akong matutunan. Sabi nga ni direk, ‘Aalisin ko ‘yung pagiging Miss Universe mo,’ game naman ako. Napapanood ko na si Gerald noon pa lang at alam kong magaling talaga siya. Nacha-challenge ako na kailangan galingan ko kasi ang galing niya. Hopefully kakayanin naman, kaya actually,” nakangiting pahayag ni Pia.

Para naman kay Gerald ay dapat pakaabangan ng mga tagahanga ang bagong pelikulang gagawin. “Kakaiba siya. Look test pa lang namin, challenging na,”  maikling pahayag ni Gerald. Sa story conference pa lamang noong Huwebes nagkasama sa unang pagkakataon sina Pia at Gerald.

Ayon kay direk Cathy ay ngayon pa lamang din niya makikilala kung sino talaga ang dalawa bilang mga artista. “I want to take it as it comes. Every day as we work together, doon ko lang makikilala kung sino sila. Every character is a work in progress. When we go along, that’s when we see the magic. It just comes out naturally, in time,” paliwanag ng direktor.

Dating PBB housemate na nakapag-asawa ng bilyonaryo, ginastusan ang reunion ng batch nila Kim

Kamakailan ay nag-get together ang Pinoy Big Brother Teen Edition Season 1 Housemates na pinangungunahan ni Kim Chiu. Ang nasabing reality shows ang nagbukas ng pinto sa aktres kaya nakapasok sa show business noong 2006.

Masayang-masaya si Kim na muli niyang nakasama ang dating Housemates sa Bahay ni Kuya. “Ang dami nang nangyari. A lot has changed, may mga anak na sila, may mga asawa na sila. And then ang galing lang tingnan na ito na kami ngayon. We were having dinner, nag-uusap about life, sa anak nila, ‘yung mga ganyan. Ang galing din how time changes people,” kwento ni Kim.

Si Niña Jose raw ang nag-organize ng reunion ng PBB season 1 Housemates. “Pinalipad lang niya ‘yung ibang taga-province. Gusto niya lang mag-reunion kami kasi sinusuportahan din siya ng husband niya which is the Mayor of Pangasinan. ‘Yon din ang gusto ng husband niya para si Niña may friends, may kausap. So si Niña ‘yung nag-contact sa aming lahat,” pagbabahagi ni Kim.

Natutuwa ang dalaga dahil kahit may kanya-kanyang buhay na sila ay nananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan. “Hindi nagbago, naglolokohan pa rin kami. May mga bossy-bossy pa rin pero pinagtatawanan na lang namin pati mga experiences namin before tinatawanan namin,” pagtatapos ni Kim.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with