^

PSN Showbiz

Child Actor na tinuruang humikab ng nanay habang may taping, nganga na ang career!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Siguradong sising-alipin ngayon ang ina ng isang child actor na sayang, dahil bigla siyang tinanggal sa isang napakalakas na serye, para mabawasan ng problema ang produksiyon. Pahinga ang palaging idinadahilan ng kanyang mommy kapag may taping, kaya ayun, pinagpahinga na nga nang tuluyan ang bata sa palabas.

Walang problema sa bagets, kahit ano ang ipagawa sa kanya, propesyonal ang bata. Magaling siyang umarte, kinaaaliwan siya sa set, dahil hindi matigas ang kanyang ulo.

Pero kuwento ng aming source, “Ang mommy niya ang feeling-artista. ‘Yun ang atrebida. Marami siyang katsang, marami siyang reklamo, nakukulili ang tenga ng production staff sa kanyang mga hanash sa set.

“Tama bang may mga kukunan pang eksena ang anak niya, e, nagbabalot na siya ng mga kagamitan ng bata para makauwi na? Hanggang ganu’ng oras lang daw ang usapan, kapag sumobra du’n, e, hindi na gagawin ng bagets.

“At ang nakakaloka pa, e, madakdak siya, naririnig ng mga tao sa set ang mga ipinagmamarakulyo niya, tinuturuan niyang maghikab nang maghikab ang anak niya para palabasing sobrang antok na!

“E, ang bata, palibhasa nga, e, bata pa, hindi naman inaantok, gusto pa nga niyang makipaglaro sa mga kasamahan niyang child stars bago sila umuwi!

“Du’n na sisigaw ang madir, uuwi na raw sila dahil antok na antok na nga siya, kailangan na niyang magpahinga, kailangan na niyang matulog para mabilis siyang lumaki!

“Ang bagets, nakasimangot, ayaw pang umuwi ng bagets, gusto pa niyang mag-stay sa set dahil nandu’n pa ang mga kaibigan niyang child stars! Pero ang mommy niya, halos kaladkarin na siya para makauwi na sila agad.

“O, ano’ng nangyari, di ibinigay ng production ang ipinagmamarakulyo niyang baka hindi na lumaki pa ang anak niya dahil sa sobrang pagpupuyat? Wala nang pagpupuyatan ang anak niya, tinanggal na ang bata sa ikot ng kuwento!

“At masyadong mareklamo ang mommy ng bata, nagbibilang siya ng sequences na ginagawa ng anak niya, naiinggit siya sa mga bagets na kasamahan ng anak niya na nabibigyan ng mahahabang dayalog! Tama ba ‘yun?

“Naku, kapag hindi pa rin nagbago ang ina ng batang ‘yun, e, wala nang kukuha pa sa serbisyo niya. Sayang, ang galing-galing pa naman niyang umarte, buhay na buhay pa sana ang career niya sa serye hanggang ngayon kundi lang dahil sa mareklamo niyang mommy! Ayos!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Richard Reynoso mabilis kumilos para kay Bernardo Bernardo

Richard at Bernardo

Mabait ang showbiz. Hindi pera-pera lang ang labanan sa mundo ng mga artista. Sa isang panahong kailangan ang kanilang suporta ay hindi sila nagdadalawang-isip na magbigay nu’n sa nangangailangan ng tulong.

May matinding pinagdadaanan ngayon ang magaling na aktor na si Bernardo Bernardo. Humihiling siya ng dasal mula sa kanyang mga kaanak, kaibigan at tagasuporta.

Bukod sa mga panalangin na totoo namang lumilikha ng milagro ay nangangailangan din siya ng suportang pampinansiyal para sa kanyang pagpapagamot. Hindi biro ang kanyang sakit, naapektuhan ang kanyang pancreas, kaya malaki na ang nagagastos ng aktor sa gamutan.

Sa pamamagitan ng busilak na puso ni Richard Reynoso, isa sa apat na miyembro ng The OPM Hitmen, ay isang mabilisang concert ang binuo na tatampukan ng mga kaibigang singers ni Bernardo Bernardo.

Gaganapin ang A Song For Bernie sa February 10 nang gabi sa Zikorh-Tomas Morato, ang mga nagbigay ng panahon para sa kanilang kaibigan ay ang The OPM Hitmen na kinabibilangan nina Ri­chard Reynoso, Renz Verano, Rannie Raymundo at Chard Borja kasama sina Dulce, Eva Eugenio, Marco Sison, Anthony Castelo, Isay Alvarez, Alynna, Jenine Desiderio, Bo Cerrudo, Jet Pangan, Beverly Salviejo at Gino Padilla.

Ang kabuuang kikitain ng benefit concert ay itutulong sa pagpapagamot ng aktor ng entablado, telebisyon at pelikula para mabawasan ang kanyang dalahin.

Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga performers na sa isang tawag lang ay nagbigay agad ng positibong sagot para sa kanilang kaibigang si Bernie.

Maraming salamat din sa Masterfood Republic, Inc. (The Home of Jollicious products), Amana Waterpark (Pandi, Bulacan), St. Anne Power Academy of Marilao Inc., Technoligical College of St. Pio (San Jose del Monte, Bulacan), Black Beauty Shampoo and Conditioner ng ManYip Corporation at Radyo Singko 92.3 News FM.

Mabuhay ang mga OPM singers na hindi nagdamot ng kanilang mahalagang panahon para sa isang konsiyertong may malaking maitutulong sa kanilang kasamahang sinusubok ngayon ng panahon ang katatagan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with