^

PSN Showbiz

Maine lumebel sa mga international singer!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maine lumebel sa mga international singer!

Maine

Wow ka-level na ni Maine Mendoza ang mga international singer na sina Ariana Grande, Rihanna, Selena, Nicki Minaj,  Miley Cyrus, Mariah Carey, Lady Gaga at iba pang sikat bilang first Pinay na nagkaroon ng lipstick collaboration sa sikat na make up brand na MAC.

Lumipad si Maine sa Canada para sa nasabing collaboration. “So happy to let you guys know that I am creating my own lipstick with @maccosmetics! Feels surreal to be chosen as one of the influencers and to be the first Filipina to have a lipstick collab with MAC. Creating your own lipstick from scratch is tricky but I am so glad I was able to achieve the colour I wanted. I am sure you guys are gonna love it!!! Can’t wait for it to be launched! YAAAAY,” caption ni Maine na kasalukuyang nasa Ontario, Canada.

Parang walang nangyari Jadine at Direk Antoinette handa na pa-London 

JaDine

Parang walang nangyari nang magkaharap-harap sina James Reid/Nadine Lustre and Direk Antoinette Jadaone sa Viva office last Thursday night.

Nagtawanan lang daw ang lahat at dedma  pagkatapos ‘magsagutan’ nina Direk at Nadine sa social media ng mga pa-blind item na messages.

Ngayon ay naghahanda na raw ang grupo patungong London para ituloy ang naudlot na shooting ng pelikulang Never Not Love You.

Nauna na raw nag-ocular sa London si Direk Jadaone kasama ang boyfriend na si Direk Dan Villegas.

Timeless OPM aalalahanin ang Golden Era of Pinoy Music

Muling pakinggan ang May Bukas Pa, Isang Linggong Pag-ibig, Sayang, Ma­ging Sino Ka Man at ilan pang kantang magpapaalala sa Golden Era of Pinoy music na nanatiling buhay sa kamalayan ng maraming mahihilig sa musika.

Mga kantang tumatak kina Rico Puno, Imelda Papin, Rey Valera, and Claire dela Fuente na magsasama-sama sa isang naiibang concert – Timeless OPM –sa Valentine’s day na gaganapin sa Newport Performing Arts Theatre-Resorts World Manila.

Maalalang ang mga kanta lang nila noon ang halos naririnig lalo na sa mga pro­binsiya. As in their hits are also some of the most loved and requested songs na nagkaroon ng impact sa buhay ng mga maraming Pinoy simula noong 70s.

Si Rico ang tinaguriang Total Entertainer. Si Imelda ang Sentimental Songstress, Rey Valera ang Mr. Hitmaker and si Ms. Claire ang Karen Carpenter of the Philippines.

Sa kanilang Timeless OPM concert, sa­sariwain ang mga kantang nagluklok sa kanila bilang OPM icons.

Ang Timeless OPM is under the direction of Mr. Freddie Santos and musical direction of Mr. Gerry Matias. Mapapanood bilang guest sina Rita Daniela and rising star, LA Santos.

Tickets are now available at all Ticketworld outlets (wwwticketworld.com.ph / 891-9999 and at the Resorts World Manila Box Office.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with