^

PSN Showbiz

Bashers naka-alert sa debut ni Isabelle Duterte sa sosyal na hotel! ; Agot pumiyok sa isyu ng tibo! ; Anak ng aktres itinurong third party sa hiwalayan ni JC

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Bashers naka-alert sa debut ni Isabelle Duterte sa sosyal na hotel! ; Agot pumiyok sa isyu ng tibo! ;   Anak ng aktres itinurong third party sa hiwalayan ni JC

Isabelle at Agot

SEEN: Tomboy ang role ni Agot Isidro sa Changing Partners pero sa tunay na buhay, babaeng-babae raw siya kaya malabo na pumatol siya sa kapwa babae. Si Agot ang lead actress ng Changing Partners, ang official entry sa 2017 Cinema One Originals Film Festival na ipalalabas ng Star Cinema sa mga sinehan sa January 31.

SCENE: Hindi ang pagkompronta ni President Rodrigo Duterte sa Rappler reporter na si Pia Ranada ang natandaan ng publiko. Mas napansin ng mga tao ang pagputi ng balat ni Ranada na morenang-morena ang kulay nang dumalaw sa kanya si Duterte sa ospital sa Davao City noong 2016 dahil nahulog siya sa kanal.

SEEN: Nakatutok ang atensyon ng mga kritiko ni President Rodrigo Duterte sa debut party ngayong gabi ng kanyang apo na si Isabelle Duterte. Ang Manila Peninsula ang venue ng birthday celebration ni Isabelle na isang aspiring actress.

SCENE: Muling magkakaroon ng benefit show para kay Bernardo Bernardo at magaganap ito sa Zirkoh, Tomas Morato sa February 10.

SEEN: Sina Anthony Castelo, Dulce, Eva Eugenio, Marco Sison, Jenine Desiderio, Beverly Salviejo, Jett Pangan, Isay Alvarez at Gino Padilla ang ilan sa mga nagboluntaryo na mag-perform ng libre sa A Song for Bernie, ang benefit show para sa veteran actor na may karamdaman.

SCENE: Anak ng isang aktres na nakatrabaho ni JC Santos ang itinuturo na third party sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend na si Teetin Villanueva. Press release lamang umano ni JC na ang kanyang acting career ang third party sa naganap na break up.

SEEN: Si Senator Tito Sotto ang writer/composer ng first single ng The Broadway Boys na magkakaroon bukas ng grand launch sa Eat Bulaga.

SCENE: Ihahatid bukas, January 20, sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park Parañaque  City ang Fashion Czar of Asia na si Jose “Pitoy” Moreno. Ngayong gabi ang huling lamay para sa pumanaw na fashion designer.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with