^

PSN Showbiz

Janella tuloy ang pagrerebelde?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Janella tuloy ang pagrerebelde?!

Janella

Sa dami ng mga pinoprodyus at dinidirek niyang pelikula para sa sarili nilang produksyon ni Jun Lana at sa Regal Films,  halos wala ng panahon para sa ibang bagay si Perci Intalan.

Siya naman ang direktor ng pelikula  nina Janella Salvador at Elmo Magalona na pina­magatang My Fairy Tail Love Story. Isang bagong love triangle ang makikilala sa movie ng manonood na bahagi si Kiko Estrada.

Samantala, mukha talagang wala nang magagawa si Jenine Desiderio kung hindi ang tanggapin na ang relasyon ng dalawa. Hindi na maitatago ng dalawa ang napaka-obvious nilang sweetness and closeness. Nasa punto na ang dalawa na kapag pinigil ang relasyon ninuman ay talagang magwawala at baka umabot pa sa pagrerebelde na tulad ng nangyayari ngayon sa mag-inang Jenine at Janella.

Daniel at Kathryn magpapatayan

Pinakaaabangan na ang pagkikita nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang Malia at Tristan sa La Luna Sangre na inaasahan ng kanilang mga kala­hing lobo at bampira ay magpapatayan sa ka­nilang muling pagkikita.

Walang choice si Malia kung hindi ang maisakatuparan ang propesiya na magapi nila at mapuksa ang mga bampira na ngayon ay pinamumunuan na ni Tristan.

Hindi ma-imagine ng manonood kung anong klaseng pagsasagupa ang magaganap sa dalawa na nung mga mortal pa ay labis na nagmamahalan. Ang lobo ba o ang bampira ang mamamayani?

Kung sa Got To Believe at Panga­ko Sa ‘Yo ay nagustuhan sa Vietnam ang naging pagganap ng KathNiel, baka dito rin sa La Luna Sangre ay ma­ka­tanggap din ng parangal ang magka-loveteam sa susunod.

Kawawang commuters ilang UV Express at taxi drivers sinasamantala  ang jeepney phaseout!

‘Kapal ng mukha ng mga UV Express drivers na humihingi ng pagtataas sa pasahe na doble sa kasalukuyang sinisingil nila sa mga pasahero nila. Ganun din ang mga Grab taxi na hanggang langit na kung sumingil sa mga pasahero nila, tapos humuhi­l­ing pa ng pagtataas ng pamasahe?

Fair yung P10 na hiling sa mga sumasakay ng jeepney pero, talagang mahihirapan maging ‘yung mga sumasakay sa mga mapagsamantalang dri­ver ng mga regular na taksi na tumatanggi sa mga pasahero.

Saan naman babawi ang mga pasahero? Kayo rin ang mawawalan kapag nag-decide ang mga mananakay na sumakay na lang ng jeepney na marami ang hindi makapagpasada dahil hindi pasado sa pamantayan ng LTO ang mga sasakyan nila. Tsk. Tsk. Tsk.

Billy at Coleen napilitang mag-imbita ng marami sa kasalan

Isa sa mga dahilan kung bakit nagpalit ng ma­nage­ment si Billy Crawford from Arnold Vegafria to Viva ay ang pagkakataon na makapag-focus sa kanyang singing at makagawa rin ng kanta para sa kanyang sarili at sa ibang singers din. Isa sa mga paplanuhin niya ay makagawa ng isang concert kasama si Sarah Geronimo at isang pagpapraktis na nila ‘yung pagsasama nila nung Linggo sa ASAP.

In all fairness maganda ang kumbinasyon nila. Pagdating naman sa personal niyang buhay, unti-unti na nilang naihahanda ni Coleen Garcia ang napipinto nilang kasal na kung sila ang masusunod ay gusto nilang maging sobrang intimate lamang pero, dahilan sa kanilang work ay nakapag-ipon sila ng napakaraming kaibigan na hindi nila maaring dedmahin o kalimutan sa  napakahalagang okasyon na ito ng kanilang buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with