^

PSN Showbiz

Alden pinagbibintangang ginagamit si Maine sa concert

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May presscon agad sina Alden Richards at Betong Sumaya pagdating nila sa Sydney, Australia para sa concert bukas sa Evan Theater Panthers Penrith.

Hindi pa namin naririnig ang video sa presscon ng Alden Richards Live in Sydney kung saan, tiyak na may nagtanong sa kanya tungkol kay Maine Mendoza. May mga nag-aakusa kasi kay Alden na ginagamit niya si Maine sa publicity ng concert para mas marami ang manood.

Siguradong ang ticket sales ng concert at dami ng audience ang isa sa mga aabangan ng bashers ni Alden. Nakahanda na ang comments at pamba-bash nila. Ang maganda, walang keber si Alden sa bashers at ginagawa na lang ang trabaho.

Kris at tinatagong businessman na dyowa, pinag-uusapan na ang kasal

Aabot ng 32 weeks ang itatakbo ng Impostora hanggang sa pagtatapos nito sa February 9. Ang Afternoon Prime na ang pinakamatagal na teleser­yeng ginawa ni Kris Bernal sa GMA-7 at pinaka-successful sa lahat ng aspeto kasama ang rating at feedback ng viewers lalo na sa kanyang acting.

Sa Impostora rin gumawa si Kris ng mga buwis-buhay na stunt gaya ng sumakay siya sa kotse na inihulog sa bangin at ang itinaas siya sa crane. Mahirap din sa kanya ang paulit-ulit na paglalagay ng prosthetics sa mukha ‘pag nagpapalit siya ng karakter from Rosette to Nimfa at nitong huli, buong ulo na niya ang nilagyan ng prosthetics. Sa natitirang four taping days, mu­ling lalagyan ng prosthe­tics ang mukha ni Kris na in fairness, hindi siya na-allergy at makinis pa rin.

To reward herself sa hardwork na ginawa, one week magbabakasyon sa Iceland si Kris to see the Northern Lights. Sa Feb. 4 ang alis niya at nanghinayang nga ang aktres na one week lang siya dahil mahal ang gastusin sa Iceland. Akala raw niya magtatagal pa ang Impostora kaya bitin ang bakasyon niya.

Sa sagot na “secret” sa tanong kung sino ang kasama niya, totoo nga yatang ang 34-year-old businessman boyfriend ang kasama. Six years ang age gap nila na tama lang dahil 28 years old si Kris. At five years pa raw bago sila magpakasal.

Juday mahilig na sa adlib

Ang daming nakakatawang scenes sa Ang Dalawang Mrs. Reyes na ibinigay nina Judy Ann Santos, Joross Gamboa, JC de Vera, Nico Antonio, Carmi Martin at Angelica Panganiban. Pati nga ibang cast sa movie ay nagpatawa gaya ni Wilma Doesnt.

Iyong eksena sa gay bar kung saan nagtatrabaho si Nico bilang macho dancer, sobrang nakakatawa. Kung may part two ang Ang Dalawang Mrs. Reyes, malalaman kung sa ending ay naging couple sina Nico at Angelica.

Kwento ni director Perci Intalan, nag-adlib si Judy Ann sa ilan niyang eksena at sa pelikula niya nakita ang iba’t ibang klase at level nang pag-iyak ni Judy Ann. Bukod sa mahusay na aktres, dala na rin ‘yun ng experience niya. Aliw si Judy Ann sa comedy scenes, hindi siya nagpatalo kay Angelica.

Dennis at Jennylyn bonding mag-asawa na ang ginagawa!

Grabe na ito, pati sa dog spa, magkasama sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Kanya-kanya silang hawak ng dogs. Comments ng mga kinikilig na fans, Dennis and Jennylyn are doing things na usually, married couple lang ang gumagawa. Kaya wish nila, magpakasal na ang dalawa para hindi lang aso, kundi pati babies ang alagaan nila.

Nag-iipon lang ng bonding moments sina Dennis at Jennylyn dahil ‘pag nagsimula nang mag-taping si Jennylyn ng The Cure, mababawasan na ang bonding nila. Busy din si Dennis sa taping ng The One That Got Away at may kani-kanya silang pelikula na gagawin.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with